XXXIII. Symptoms

26 0 0
                                    

"Oh, anong meron? Nagkukumpulan kayo dito ah." Onew beamed. Pumasok kase ang SHINee sa isang room sa 4th floor na kung nasaan ang anim pati EXO members bukod kay Lay. Umalis na kase ang TVXQ, may schedule sila.

"Kayo lang?" Tanong ni Jonghyun. Inilibot niya ang kanyang tingin nang mapansin niyang kulang sila. "Nasaan si Lay?"

"Wala siya, hyung. Umalis, baka after one week pa daw ang balik." Sagot naman ni Chen na nagkakalikot sa phone niya.

"Saan siya nagpunta? Urgent daw ba?" Takang tanong naman ni Onew.

"Hindi namin alam. Iyong lang naman ang sinabi, hyung." Sagot niya ulit.

"Oo nga pala, anong nangyari no'ng party?" Biglang tanong ni Key. Napatigil silang lahat. Si Hee Rin na busy sa ginagawa niyang pagbabasa sa kanyang phone ay napatigil, naalala niya 'yong aftermath ng inuman.

Napalihis naman ng tingin si Kai.

Naka-derp smile si Chanyeol habang nanlulumo naman itong si Baekhyun.

Napahawak naman sa kanyang ulo si Min Joo, inaalala niya iyong mga nangyari.

Nagkatinginan naman ang OTP ng SeulHun, nagsisikuan naman ang MinHan.

Si Chan Ki, napapalingon sa kanyang mga kasama. Hindi naman niya kase naalala iyong nangyari pagkatapos niyang laklakin ang kalahating-puno na soju bottle bago siya tuluyang bumagsak.

Nagpipigil ng tawa si Tao dahil naalala niyang wala sa sarili si Min Joo no'ng hinihila niya ito papasok ng kwarto.

"Wala ba kayong balak magsalita?" Tanong na naman ni Key.

"Maraming nangyari." Banggit nalang ni D.O.

"Ano nga?" Sambit namang sabay ni Onew at Key.

"Nalasing silang lahat except sa amin ni Suho hyung. Hindi kami uminom." Sagot naman ni D.O.

"Ohh~" React naman ng SHINee members.

"Hindi naman ako nalasing ah!" React naman ni Hee Rin sabay tumingin sa kanya ang lahat ng nando'n.

"Ahh~ oo nga pala. Paano kase, lasinggera!" Patama naman ni Baekhyun.

"Ya, oppa!" Protesta niya.

"Tama naman ah! Sa 'ting lahat na uminom, ikaw lang yata ang hindi bumigay." Gatong naman ni Chanyeol.

"Anong nangyari sa akin no'n?" Pabulong na tanong ni Min Joo sa katabi niyang si Sung Mi.

"Hindi ko nga rin alam kung anong nangyari sa akin eh. Basta paggising ko, kasama ko sa kwarto si Chanyeol oppa," sagot naman ni Sung Mi.

"May nagsisisigaw ba?" Tanong ni Minho na nakangiti.

Bigla naman tumawa si Tao kaya nagulat silang lahat. Napatigil nalang siya ng mapansin niyang nakatingin silang lahat sa kanya. Ngumiti siya, "Si Min Joo 'yon. Sigaw ng sigaw."

"Siya 'yong sigaw ng sigaw no'n?" Tanong naman ni Suho.

"Nanununtok pa." Sambit naman ni Kai habang masamang nakatingin kay Min Joo.

Napanganga naman ito kase wala talaga siyang maalala sa mga nangyari. "Hoy! Hoy! Anong ako?!" Tanong niya. "Paker! Wala akong maalala." Sambit niya sa sarili niya. Tumawa nalang sila dahil sa expression ng mukha niya.

Masaya silang nagkukwentuhan doon ng biglang may pumasok do'n sa kwartong iyon.

"Nandito naman pala kayong anim eh!" Sambit ni Heechul ng makita ang anim na babaeng nando'n.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now