XXIII. I'll Be By Your Side

26 0 0
                                    

"Sung Mi-ah!" Tawag agad ni Xiumin kay Sung Mi ng nakapasok sila sa Mansion.

"Baka nasa taas sila." Sambit ni Tao at napatingin sa tuktok ng hagdan. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang isang pigura ng babae do'n.

"Ya!" Sigaw niya habang nakatingin sa taas. Napatingin naman sa kanya ang members na nakatungo ang direction niya sa taas.

"Yah! Sinong tinatawag mo?" Kris asked na huling pumasok sa loob. Napansin din niya ang pigura sa taas ng hagdan.

"Sino 'yong nasa tuktok ng hagdan?" He asked the members.

"Saan? Wala naman tao do'n ah." Sagot ni Chen na tumingin din do'n.

"Guys. Taas lang ako ah." Ani Xiumin.

"Wag!" Sigaw ni Kris at Tao.

"Wae?" He asked at tumigil siya, tumingin din siya sa kanila. Pataas na kase siya ng hagdan. Tinignan ng dalawa ang tuktok ng hagdan pero wala na ang pigura do'n.

Hindi nila naintindihan 'yong sinabi ng dalawa pero mahahalata mong takot na takot sila. Napalingon naman sila sa kanilang dalawa na clueless ang mga mukha. "Bawal ang magmura, di ba?" Luhan beamed.

"Ahhhhhhhhhhh~" Sigaw ni Tao. "May multo sa taasssssss!!"

"Mwo?!"

"Hee Rin unni!" Tawag ng isang boses kay Hee Rin. Galing ito sa may pinto ng Dance Room kung saan nando'n ngayon 'yong lima.

"Bakit, Mich?" Tawag niya rito.

"May nakapasok po dito sa bahay." Sagot naman ng bata. Napatingin siya sa relo niya, halos alas-syete na ng gabi. Hindi man lang nila namalayan na gabi na pala.

"Tara. Baba na tayo. Nandito na sila." Pumayag naman sila kaya bumaba muna sila.

"Mich. Halika!" Sabay hawak sa kamay niya. Anak ng head guard si Mich. Dahil wala siyang kasama do'n sa bahay nila sa village, isinama muna ito ni Hee Rin sa mansion. Halos hanggang tiyan lang ni Hee Rin ang bata, dahil 10 years old palang ito.

Pababa na sila ng hagdan ng may narinig silang nagsisigawan. "Ano ba, Tao!" Sigaw ni Chen. "Walang multo dito!"

"Iyan ka na naman kase!" Sabad ni Luhan. Nakakaramdam naman siya ng goosebumps kaya gano'n nalang ang reaction niya.

"Bakit, anong meron?" Tanong ni Hee Rin. Napansin naman nila ang batang nagtago sa likod ni Hee Rin.

"May multo raw na nakita si Tao at Kris sa may tuktok ng hagdan kanina." Sagot ni Kai.

"Pumunta ka do'n kanina, di ba?" Tanong naman niya kay Mich na nakayakap sa kanya habang nakatingin sa EXO.

"Hm. Narinig ko kaseng may tumawag kay Sung Mi unni." Mahina niyang sagot.

"Sabi sa 'yo! Walang multo dito!" Sabay katos ni Chen kay Tao. "Kalalaking tao, takot sa multo. Nagma-martial arts ka pa!" Dagdag niya pang bulyaw. Nakahinga naman ng maluwag si Kris sa narinig niya.

"Sino pala 'yan?" Xiumin asked.

"Ah. Siya si Michelle. Mich for short. Anak siya no'n head guard dito sa village. Wala kase siya kasama do'n sa bahay nila ngayon kaya sinama ko muna siya dito." Sagot naman ni Hee Rin.

"Hi, Mich!" Bati ni Chanyeol pero nagtago ito sa likod ni Hee Rin. Nagulat siguro dahil sa lalim ng boses niya.

"Sino siya? Ang laki ng tenga niya." Sambit niya sa malumanay na tono.

Natawa naman sila sa sinabi ng bata. Umupo sila sa sala at ipinakilala ni Hee Rin si Mich.

"Kilala mo ba kami?" Luhan asked.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now