XXXII. Group Message

84 3 0
                                    

"Ms. Min Joo, may naghihintay sa 'yo sa labas." Pambungad ng butler ni Min Joo sa kanya ng makababa ito mula sa kwarto niya. Sakto rin namang aalis na siya papunta sa Academy. Napangiwi siya at dumiretso sa labas. Napatigil siya ng makita ang lalaking nakasandal sa kotseng nakaparada sa harap ng bahay nila. Buti nalang sa village ang bahay nila Min Joo kundi dinumog na ng sangkatutak na sasaeng ang naghihintay sa kanya.

Dahan dahan siyang lumabas. "Ya!" Tawag ni Kai sa kanya saka napa-smirk.

Bahagya namang ngumiti si Min Joo. Nang makalabas siya sa gate nila, pinagbuksan siya agad ni Kai ng pinto ng kanyang kotse. Min Joo twitched pero mas lumapad ang ngiti niya ng makasakay sa kotse.

Umalis na nga sila at tinitignan ng butler nila Min Joo ang sasakyang papaalis.

"Yeobeoseyo, Mr. Song." Biglang salita nito habang hawak ang kanyang handphone.

"Mr. Cho, napatawag ka. May ibabalita ka ba?" Tanong ng appa ni Min Joo.

"Ah... opo." Sagot nito. "Si Kim Jongin po ng EXO, hinatid niya si Ms. Min Joo kahapon ng hapon dito sa bahay. Tapos ngayong umaga, sinundo po siya."

"Aish! Sabi ko sa kanya wag siyang magbo-boyfriend!" Bulyaw naman ng appa niya. "Tapos 'yang Kai pa na 'yan!"

"I don't think that's the case, Sir." Singit agad ni Mr. Cho. "Seems like they're only friends." I just need to cover it up for now. I really want to know what's their relationship. Mr. Cho thought.

"Basta. Bantayan mo sila. Maaasahan ko ba 'yon, Mr. Cho?" Min Joo's father asked.

"Ne, Mr. Song. Leave it to me." Ibinaba niya ang linya, "Mas gusto ko pa nga siya kaysa do'n sa sinasabi ni Mr. Song. At least, matagal na silang magkakilala." Sambit nito bago pumasok sa bahay.

"Anong nakain mo?" Basag naman ni Min Joo sa katahimikan na namuo sa sasakyan.

He chuckled, "Wala? Bumabawi lang kase ako. Ayoko lang na akong dahilan para mag-collapse ka ulit." Sagot ni Kai na napalingon ng ilang segundo kay Min Joo.

Si Min Joo naman nakatingin lang sa daan at tumango-tango nalang.

"Okay naman na pakiramdam mo?" Tanong ni Kai.

"Okay naman na. Pwede kain ulit tayo pagdating natin sa Academy?" Nakakunot noo niyang tanong kay Kai, lumingon pa talaga siya sa kanya.

"Sige. Basta KKB." Sagot naman agad ni Kai.

-

"Itadakimasu!" Sigaw naman nilang tatlo.

"Uuwi na ba sila ate mo?" Tanong ni Changmin. Ngumunguya pa 'to at tinignan ng masama si Yunho.

"Hindi ko pa alam, oppa. Hindi pa nila ako tinatawagan. Busy pa po siguro sila." Sagot naman niya.

Hindi naman umiimik si Yunho. Alam niyang bukas na sila uuwi. Sinabi sa kanya ni Min Rin kagabi pero sinabihan naman siyang wag munang sabihin.

"Oh pala, Hee Rin. Alam mo ba kung saan pumunta si Lay?" Yunho asked. "Kasama ko ang EXO kahapon, hindi sila kumpleto. Tinanong ko sila, hindi rin naman daw nila alam."

"Hindi ko nga rin po alam eh. Huling kita namin no'ng umalis sila dito sa bahay." Sagot naman niya. "Huling tawag ko rin sa kanya kahapon, sabi niya may pupuntahan daw po siya ngayon."

Tumayo naman si Changmin, "Anong gusto mo, Hee Rin?" He asked.

"Gatas po, oppa. Hindi ako nagko-coffee."

"Alam mo ba, naaatat ang ibang entertainments na mag-showcase ang trainees kase nabalitaan nila na ang gagaling ng mga trainees ngayon." Sambit ni Yunho habang nakaturo ang kanyang tinidor sa may direksyon ng kinauupuan ni Changmin.

Spellbound [EXO FF]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن