Epilogue

92 0 3
                                    

Nakita niyang nagsidatingan na ang mga idols sa palasyo. Tanaw na tanaw niya 'to mula sa balcony pero 'yong taong inaasahan niyang pumunta ay hindi makakarating. Araw na ng kasal nila Eunhyuk at BoA, Yunho at Min Rin--tatlong buwan pagkatapos ng comeback ng SUNGAM.

Hindi maganda ang samahan ngayon ng China at England dahil sa bintang ng China na nangingialam ang England sa pamamahala sa kanilang bansa. Ngunit, tinutulungan lang naman nila sila Empress Zhang Fei Xing na muling ibangon ang tronong inagaw sa kanila at hindi ang mismong gobyerno nila. 

No'ng una mahirap talaga pero nang okay na at kaya na nang imperyo, bumitaw agad ang England para wala na silang masabi. Hanggang ngayon, hindi pa rin sila nakakapag-usap, wala na ring nakakaalam kung anong nangyayari do'n ngayon.

"That face doesn't suit you." Si Chan Eun.

"Oppa," she said. "Bakit ka nandito?"

"Ako nga dapat ang nagtatanong niyan sa 'yo, di ba? Kase nandito na ang mga kasama mo sa SME." He said. Hindi siya nagsalita saka tumanaw ulit do'n. "You really expect he would come, right?"

She smiled and, "I'm still hoping." She said.

"Halika ka na, magsisimula na 'yong kasal nila."

Natapos ang garbong kasal ng prinsipe at prinsesa pero nagkaroon ng problema... "Nandito siya?" Tanong ng King at napakunot noo ito.

"Hindi po naming sigurado kung siya pero may nakapagsabing nakita nga raw po nila."

"Bakit hindi siya sumunod sa kasunduan?" The King asked. "Dapat hindi siya pumunta dito kundi magkakagulo tayo. Does he plan to ruin my children's weddings?" He asked.

"Don't worry, King. We'll take care of the security."

"Please do so, Third. Ayokong sumiklab pa ang gulo dito."

"Confirmed po, sir Fourth." Sambit ng tauhan ni Fourth na nakarinig sa usapan no'ng Hari at si Third.

"Sige, just keep an eye on their actions. We will gain the upper hand later at the ball."

Lumapit si Fourth kay Henry, "Plan is in motion, Prince." He said.

Ngumiti si Eunhyuk. "Thank you for your hard work." He said.

"Idea mo ba 'tong masquerade ball after ng reception ng kasal niyo?" Fourth asked habang naglalakad sila sa loob ng castle. May dalawang oras pa kase bago ang ball at lahat ng tao ro'n ay may kanya kanyang gawaing nakatoka.

"Sabi ko naman sa 'yo, basta para kay Bea, gagawin ko lahat kahit na kalabanin ko pa sila daddy." He said.

Punumpuno ang palasyo ng mga bigating personalidad mula sa buong mundo. Hindi lang mga K-pop idol ang nando'n, pati na rin ang mga American talents, Filipino at kung sino pang lahing inimbita ng kaharian. Nando'n rin ang mga pinuno ng bawat bansang may magandang relasyon sa kanila.

Kanina pa naiirita si Hee Rin do'n. She's not used to masquerade balls or any gatherings with so much people in it... just like tonight. Marami na ring sumasayaw sa dance floor at hindi niya inintindi kung walang may gustong isayaw siya.

Nakatingin siya sa sahig ng may makita siyang sapatos at nakatungo ito sa kanya. Iniangat niya ang kanyang ulo. Inilahad no'n ang kamay niya, "Can I have this dance?" The guy asked. Hindi naman niya kilala kung sino 'yon kase nakamaskara talaga sila.

Tinignan niya muna ang kamay na 'yon saka tinignan ang mga mukha niyang natatakpan ng maskara.

Ngumiti siya, "Sure."

Ipinunta siya no'ng lalaki sa pinakagitnang bahagi ng dance floor kaya nasa kanilang dalawa ang lahat ng atensyon. Nagsimula ng tumugtog ang orchestra kaya sumayaw na rin sila. Mas nakaagaw pa ng atensyon nilang lahat dahil napakagaling ng kanilang execution sa sayaw.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now