XXII. Blessing

146 3 2
                                    

"Hoy kayong dalawa! Tama na nga muna kase 'yang landian niyo!" Bulyaw ni Chanyeol sa SeulHun na kanina pa naglalampungan. "Hindi pa ba sapat na magka-room kayo?!"

"Ano ba, hyung! Ang ingay mo!" Sigaw ni Kai na naglilinis sa entertainment room. "Kayo naman kase! Makapaglandian..."

"Unni!" Tawag na ni Hee Rin. "Paki-tulungan si Kris oppa at Xiumin oppa sa paglilinis ng pool. Nando'n din si Sung Mi unni."

"Okay~" Sagot naman agad ni Seul Joo at hinila si Sehun.

"Saan ba kase nagpunta ang vocal line?" Tanong ni Min Young na tinutulungan ang HeeLay sa pagpe-prepare ng pagkain.

"Pinatawag daw sila." Sagot ni Hee Rin. "Birthday ni Chen oppa bukas, di ba?"

"Oo," sagot naman ni Lay.

"Bakit sila pinatawag, hyung?" Tanong naman ni Kai kay Lay.

"Ewan ko. Bakit nga ba, Chanyeol?" Baling naman niya kay Chanyeol.

"Hin--"

Napatigil sila ng biglang may tumunog na phone, ang ringtone ay kanta ng 2NE1. Hindi na sila nagtaka kung kaninong phone 'yon. "Yeoboseyo?" Sagot ni Chanyeol sa phone niya.

"Yeollie~ hindi na kami uuwi for lunch. Pero punta kayo dito mamaya. Kakausapin daw ulit tayo ni Mr. Lee. Tapos magsha-shopping tayo para kay Chen."

"Arasseo. Chen? Bakit si Ch--"

"Pabo! Birthday ni camel dinosaur bukas. Malamang paghahandaan natin!" Sagot naman ni Baekhyun.

"Oo pala," ani Chanyeol. "Paano na ngay 'yon? Baka late na tayo makakauwi mamaya. Bukas nalang kaya? Tutal nasa practice naman si Chen sa SM the Ballad."

"Pwede rin. So, bukas nalang?" Napatanong siya. "Ballad? Ang aga naman yata."

"Maaga naman ah. As early as September ang briefing nila." Sagot ni Chanyeol. "Sige. Naglilinis pa kami dito eh."

"Ara! Bye~" Sabay baba sa linya.

"Ano raw?" Tanong ni Lay.

"Hindi na daw sila maglalunch dito, hyung. Atsaka, punta tayo ng SMent Building mamaya."

"Ahh~"

"Ihatid niyo nalang kami mamaya sa mall."

"Hindi na naman kayo papasok?" Lay asked.

"Oppa naman eh. Ngayon lang, please?" Nagulat naman si Lay sa aegyo ni Hee Rin. First time niyang makita 'to at napatawa.

"Oo na. Sige na. Pero mago-overtime kayo mamaya."

Talagang may tinatago 'tong dalawang 'to. Hindi ko naman masabi kung ano. Bulong ni Kai sa sarili niya ng mapansin si Hee Rin at Lay. Itinuloy na lamang niya ang paglilinis niya roon.

-

Lumabas si Lay mula sa bathroom habang nagpapatuyo ng buhok ng napansin niya si Hee Rin na nakatambay sa harap ng salamin.

"Can't decide?" Tanong ni Lay. Tumango si Hee Rin habang nakatingin sa salamin. Liningon niya ulit si Hee Rin, "Palitan mo 'yang shorts mo, masyadong maikli." Puna niya rito.

"Ayoko."

Bigla naman pumasok si Lay sa walk-in closet niya and scanned her things. May napansin siyang short na two-fourths. Sabay hila ng isang t-shirt at kinuha ang silver niyang low-cut shoes. Binato niya sa kama 'yong mga damit at inilapag ang sapatos sa lamesa. "Eto nalang isuot mo. Magsuot ka ng maayos, baka bastusin ka ng mga makakakita sa 'yo."

Nagulat si Hee Rin sa sinabi ni Lay at namula, "Okay."

"Hee Rin!" Tawag ni Lay sa kanya at lumabas na nga siya mula sa walk-in closet. May ibinato si Lay sa kanya.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now