XXXIV. All That I Can Do

114 2 4
                                    

"Yeoboseyo?" Mahinang sagot ni Hee Rin sa phone niya.

"Annyeong, Hee Rin-ah. Did I wake you up?" A guy's voice asked from the other line.

"Aniyo." mahina niyang sagot habang nakangiti pero nakapikit pa rin siya.

"Sigurado ka? Sa tono mo, kagigising mo palang." He beamed.

"Ahhhhhh~"

"Kagigising lang talaga. Bangon ka na diyan." Salita ni Lay. Nakahiga palang si Lay ngayon sa hospital bed, hinihintay niyang ma-discharge siya.

"Bogoshipeo." Sambit ni Hee Rin sa mahinang boses niya ito sinabi pero narinig pa rin ni Lay. Nagulat naman si Lay, itinakip niya ang kumot niya sa mukha niya. "Kailan ka ba babalik, oppa?" Malungkot niyang tugon.

"Hindi ko alam, Rin. Gusto ko naman nang bumalik pero kailangan talagang mag-leave muna ako." Mahinang sagot ni Lay.

"Nasaan ka ba kase, oppa? Samahan kita. Gusto mo?" She asked him.

"Wag na. Mag-concentrate ka nalang sa ginagawa mo. Kailangan mong mag-practice ng mag-practice para makuha sa showcase. Gusto kong makita kung gaano kalaki na-improve mo." Sagot naman niya.

"Arasseo." Tugon nalang niya. "Kailangan ko nang magpe-prepare para pumasok. See you soon, oppa."

"Ne. Ingat ka." Sambit nalang niya sabay baba ng linya.

"Si Hee Rin?" Mr. Lee asked.

Umupo naman itong si Lay sa higaan niya, "Opo."

"Pauwi na sila Eunhyuk sa ngayon. Baka mamayang gabi nandito na sila. Naalala mo 'yong sinabi ko sa 'yo noon? Malapit na 'yong araw na 'yon." Tugon ni Mr. Lee saka inilapag ang kanyang mga hawak na papel.

"Malapit na..." Lay mumbled.

Natahimik silang dalawa pero bigla silang napalingon sa may pinto ng kwartong iyon ng bigla itong bumukas. Pumasok si Doctor Kim kasama ang dalawang nurse. "Makakalabas na po siya." Sambit agad ng doktor, tumungo naman ang dalawang nurse kay Lay para alisin ang mga kung anong nakakabit sa kanya.

"Yixing, wag ka munang magpapagod. Don't push yourself too hard. As much as possible, i-limit mo muna ang pagsasayaw." Paalala sa kanya.

"Ne, seonsaengnim." Sagot naman niya.

"Iyan po 'yong results, naka-interpret na po siya sa isang paper na naka-attach. I hope he gets well soon." Salita ni Mr. Kim.

"Yixing, pakumusta nalang ako kay Minseok-ah." Sambit ng doktor bago siya umalis kasama ang mga nurse.

"Do'n ka muna sa bahay? Or punta ka ng dorm? Or sa apartment mo?" Tanong ni Mr. Lee sa kanya habang nag-aayos ng kanyang mga gamit.

"Doon po muna ako sa inyo," sagot niya.

"Sige, halika na. Aalis na tayo. Naghihintay na 'yong driver sa baba." Sambit ni Mr. Lee bago sila tuluyang umalis.

-

"Min Young-ah. Papasok ka ba?" Tanong ni Min Jae sa kapatid niya na nakaupo lang sa sala.

"Oppa, nakalimutan mo yata kung ano ngayon." Malungkot niyang tugon.

"Buh-bye, noona!" Biglang sigaw ni Min Woo kaya napangiti si Min Young.

"Ingat ka, Min Woo-ah. Mag-aral kang mabuti, ne?" Sambit naman niya sa nakababatang kapatid niya sabay pat sa ulo nito.

"Buh-bye, hyung!" Sambit niya rin saka yinakap ang hita ng kuya niya.

"Sige, ingat ka. Pahatid ka na kay ahjussi. Wag kang pasaway sa school, ne?" He beamed.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon