Sidestory #2 pt. 22

25 0 0
                                    

Pt. 22 - Kill

"Min Hyuk-ah, sure ka ba sa lugar na 'to?" Tanong ni Ji Hyun sa kanya habang ibinababa nila ang kanilang dalang bagahe.

"This place might not be the safest but we can live here quietly." He answered.

"But why do I get this uneasy feeling?" Tanong na naman ng dalaga sa kanya.

"You're just getting paranoid, Ji. We'll rest up for now." Sabi ni Min Hyuk saka inayos ang kwarto do'n sa nilipatan nila.

[...]

"Aalis ka ba, Min Hyuk?" Tanong ni Ji Hyun habang kinukusot ang kanyang mga mata.

"Oo, sasaglit lang ako sa palengke. May ipapabili ka?"

"Wala naman," tugon niya.

"Did you have a nightmare? Ang putla mo." He said and caressed her cheeks. "May problema ba?"

"May... Napanaginipan kong may pumatay daw sa 'yo sa harap ko." Tinignan niya si Min Hyuk habang umiiyak, "di 'yon mangyayari, di ba?"

"Hindi 'yon mangyayari kaya tahan na, okay? Tahan na." Hinalikan niya ang tuktok ng dalaha saka yinakap. "Iiwan muna kita dito kase mamalengke ako. Stay put. I locked all possible entrances and dito lang sa harap ang bukas. Be careful." Kumalas siya sa yakap saka kinuha ang kanyang bag.

"Ingat ka," paalala niya. Tumango si Min Hyuk saka umalis na.

Humiga ulit si Ji Hyun sa kama habang pinakikinggan ang mahinang tugtog na nagmumula sa radyo. Mahilig kasing makinig sa radyo si Min Hyuk at mukhang nakalimutan niyang patayin 'yon. Pinakinggan na muna niya ang tatlong sumunod na kanta bago inabot at pinatay 'yon. Naging tahimik ang buong paligid maliban sa hangin at paggalaw ng mga dahon ng mga puno sa labas. Napasilip siya sa labas at nakita niya ang isang lalaking nakasandal sa isang kotse.

Naningkit ang kanyang mga mata para maaninag ng husto ang lalaking 'yon. Matipuno at may nakapasak na sigarilyo sa kanyang mga labi.

Agad niyang kinuha ang kanyang phone saka tinawagan si Min Hyuk, "Nakaalis ka na, di ba?" She asked softly.

"Oo, kanina pa. Bakit?" Tamong ni Min Hyuk.

"May lalaki kaseng naghihintay sa labas. Pamilyar sa 'kin 'yong mukha niya," aniya.

"H'wag kang lalabas. Diyan ka lang sa loob. Tumahimik ka lang para di niya isipin nandiyan ka at mag-isa ka. Don't do anything stupid at hintayin mo ako." He said.

"O-Okay."

Pagkababa ng linya, agad lumabas si Min Hyuk sa kotseng gamit niya saka pumasok sa kanilang bahay. Naisipan niya kaseng umuwi saglit para kunin ang iba niyang gamit.

Napansin siya ng isa nilang katulong pero sinenyasan niyang wag magsalita. Linapitan niya 'yong katulong at tinanong, "Nandiyan po ba si appa?"

"Opo, sir. Pero marami po siyang ginagawa kaya nando'n lang po siya sa kwarto niya simula pagkauwi niya kagabi." Sagot sa kanya.

"Salamat." Determinado siyang pumasok sa kanilang bahay kahit na alam niyang naroroon ang kanyang ama. Tumapat siya sa kwarto ng matanda at akmang kakatok ng narinig niyang may kausap siya. Hindi ito klaro pero alam niyang may kausap siya. Pumunta siya sa kanyang kwarto saka sinubukang pakinggan.

Lumapit siya sa kanyang bintana ay medyo naging klaro ang boses ng kanyang ama. "Is it about his plans?" He asked himself. Naisipan niyang ilabas ang kanyang phone at inipit ito sa may bintana na pinakamalapit sa kwarto ng kanyang ama. Hinayaan niya na muna ro'n  saka kinuha ang mga gamit na pwede niyang kunin.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon