XIX. Possessive

40 1 0
                                    

"Ahhhhhhh~ JEBAL! JJINJA!" Sigaw pa niyang panagdag sa sigaw niyang nauna. Napaupo pa ito dahil sa nakitang anino sa may kurtina. Napansin niya ito dahil sa ilaw na nanggagaling sa labas. Nagpipigil naman ng tawa 'yong iba sa narinig nilang pagsigaw niya.

"PUTANGINA!" Sambit na naman niya ng may makitang anino sa may likod ng TV. Nasabi na lahat niya yata ng murang naisip niya.

Tumakbo siya patungo sa may switch ng ilaw at lumiwanag ang buong palapag dahil sa ilaw ng napakalaking chandelier. Nakasandal siya sa pader at napadulas pababa. Para bang nalalaglag ang mga lamanloob niya dahil sa nakita niya.

"Ano ba naman 'yan! Ayoko na! Ayoko na!" Sigaw niya at talagang naiinis ang mukha na may halong takot.

Biglang tumawa si Xiumin na nakaupo pa rin sa may sofa kasama si Chen.

"You guys are so childish!" Sigaw niya. 

"Oo alam namin di ka takot sa multo." Sigaw ng kung sino.

"Lumabas na kayooo~" Sigaw ni Chen, sinabayan pa ng tawa. Lumabas si Suho mula sa likod ng TV kaya nagulat si Kris.

"Anak ng kabayo naman, Junmyeon! Muntik mo na akong mapatay do'n kanina!" Bulyaw ni Kris na nakahawak sa bandang puso niya. Suho flashed his multi-million dollar smile and gave off a peace sign.

"Ahhh~ nangawit ako do'n ah." Sambit ni Min Young habang nilapitan si Luhan na nando'n sa likod ng sofa habang yakap-yakap niya ang mga tuhod niya, nakayuko. "Manly ba yan?" Tanong ni Min Young sa kanya saka humalakhak.

Saka lang rin nila napansin ang lalaking nakaupo sa isang upuan sa sala na nakatakip. Bukas na nga 'yong ilaw at lahat-lahat hindi pa rin kumikibo.

"Uy, Wushu Kid. Umayos ka na, bukas na nga 'yong ilaw." Tapik ni Kris sa kanya at sumalampak sa sofa. Nagha-hyperventilate na nga yata etong si Tao.

"Nasaan si Chanyeol?" Tanong ni Baekhyun na galing sa likod ng kurtina.

"Nandito akooooo~" Sigaw ni Chanyeol at napatingin sila sa kumakaway na kamay sa entertainment room sa tapat nila.

Bigla namang sumilip si Sung Mi sa gilid kaya nagulat silang lahat.

"SUNG MI?!" Sambit ni Min Young. "Magkasama kayo?"

"Oo? Hindi ko alam." She answered. "Basta ma humila sa 'kin kanina." Sambit niya at tumayo na.

"Ahh~ kain nalang tayo! Nagugutom na 'ko!" Sigaw ni Xiumin at kusang pumunta sa kitchen.

Lumabas na rin si Chan Ki malapit sa may napakalaking babasagin na vase. Si D.O naman nando'n sa may malaking halaman.

"Hee Rin!? Nasa'n ka?!" Tawag na nila sa may-ari ng bahay.

"Tayo ka na diyan," utos ni Lay sa kanya. Nando'n sila sa harap ng pinto sa basement.

Lumabas si Lay mula sa basement. Napansin siya ng iba at biglang bumalik sa basement. Napansin nilang may hinihila siya.

"Hee Rin! Halika na kase! Kakain na ohh~" Palusot ni Lay.

Most of them cleared their throats dahil sa dalawang iyon. Dahil nga sa atat na si Xiumin na kumain, nakarating na siya sa kusina at binuksan ang ilaw. Pagkarating niya sa kitchen counter...

"KYAAAAAAAAAAAAA!!" Isang napakatinis na boses ang nanggaling sa kusina kaya kumaripas silang lahat ng takbo papunta do'n.

"Hyung, anong nan--" Naputol ang tanong ni Suho ng mapansin niya 'yong dalawa na nasa baba ng kitchen counter.

Napa-facepalm si Min Joo ng nakita sila. Tao cleared his throat and said, "Anong meron dito?"

"It's just a game, right?" Saad ni Min Joo at tumayo. "I'm hungry." Let's stop this nonsense game. She murmured. Narinig naman iyon ni Kai pero hindi na siya umiimik. Napansin naman nila si Kai. Halata namang inosente siya kaya hinayaan nalang nila.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon