Sidestory #2 pt. 10

12 0 0
                                    

Pt. 10 - Wag Mo 'Kong Iiwan

"Song Min Joo!" Tawag sa kanya ng isang babae.

"Mw--"

PAK! Isang matunog na sampal ang narinig pagkalingon niya saka sinabunutan si Min Joo.

"Ahhhh! Aray~" Sigaw naman ng dalaga.

"Akala mo makakaligtas ka sa 'kin! Walang hiya ka! Kundi dahil sa 'yo--" Napatigil ang nambubulyaw dahil akma sanang niyang hahampasin si Min Joo pero biglang may humawak sa kamay niya.

"Wala kang karapatang saktan siya, Kang Ji Hyun! ILANG BESES NA KITANG SINABIHAN NA TANTANAN MO NA SIYA?!" Isang lalaki ang humarap kay Ji Hyun. Pumunta na naman kase siya sa Academy para bulabugin ang nananahimik na si Min Joo.

"Hindi ko siya tatantanan hangga't nasa tabi mo siya, Jongin!" Sigaw ni Ji Hyun.

"I DON'T NEED YOU, JI HYUN! WAG MONG IPAGPILITAN ANG SARILI MO SA AKIN KASE MAY MAHAL NA AKO!" Bulyaw sa kanya ni Kai. Nanigas naman 'tong si Ji Hyun sa pwesto niya dahil sa narinig niya. Iyon ang ayaw niyang naririnig mula kay Kai.

"Jongin, I--the political marriage..." Nautal si Ji Hyun.

"Political marriage? Hell no. Mas gusto ko pang magpakasal sa isang simpleng babae kaysa sa 'yo!" He added. Hindi na nakasalita si Ji Hyun dahil sa pahayag ni Kai.

Kaya niya hinahabol habol si Kai dahil gusto niyang kumbinsihin ito na pumayag sa arranged marriage.

"Please, Jongin... Consider it. Please!" Makaawa na ni Ji Hyun. "Please, iwan mo na siya! Ako nalang!" Sigaw niya habang hawak mga braso ni Kai. Desperada na talaga siya.

Hindi naman siya pinansin ni Kai at tinignan lang siya ng walang ni isang emosyon sa kanyang mukha. Pumunta agad ang nagpa-patrol na guard sa grounds ng marinig ang sagutan. Hinila na lamang ng guwardiya si Ji Hyun na nagpoprotesta pa rin.

"Min Joo-ah, okay ka lang?" Tanong ni Kai kay Min Joo, kanina pa hawak ng binata ang kamay nito. Lumakad sila palayo mula sa lugar na 'yon dahil biglang kumapal ang dami ng tao, nakikiusyoso sa kung anong nangyari. Nakarating sila sa likod ng Academy kung saan maraming puno sa paligid. Umiiyak pa rin si Min Joo dahil sa nangyari. Kada gano'n ang nangyayari, umiiyak siya dahil sa ginawa ring pamba-bash sa kanya noon. Naging trauma na 'yon sa kanya.

Napatigil siya ng bigla siyang yinakap ni Kai pero naririnig pa rin ang mga mahinang paghikbi niya. Yinakap niya ito ng mahigpit at sinabing, "Sorry, Min Joo. Sorry kung dahil sa 'kin ginaganito ka nila. Sorry talaga. Ano bang magagawa ko para makabawi sa 'yo?"

Hindi sumagot si Min Joo. Iginalaw niya ang mga kamay niya at isinirko patungo sa likuran ni Kai. Naramdaman naman ni Kai ang pagyakap sa kanya. "O-Oppa..." She said between her sobs. "Wag mo akong iiwan. Natatakot ako. Dito ka lang sa tabi ko." Napahagulgol na naman siya matapos sabihin 'yon.

Please don't leave me! Wag mo akong iiwan. Isang beses ka ng napalayo sa 'kin! Ayoko na ulit maulit 'yon. Miss na miss na kita, oppa!

Natatakot ako na baka iwan mo ako sa huli. Ayoko... Jebal oppa!

Biglang naalala ni Kai 'yong mga sinasabi ni Min Joo no'ng nalasing siya. Ngayon, naging klaro na kung bakit gano'n na lang ang sinabi ng dalaga noon.

Lumayo ng konti si Kai, "Tama na, Joo. Nandito lang ako. Promise. Di kita iiwan." Saka hinawi ang buhok niya. Hinawakan naman niya ang pisngi ng dalaga, "Wag ka nang umiyak, papangit ka niyan." Sambit niya.

Isisunubsob naman ni Min Joo ang mukha niya sa dibdib ni Kai. Humihikbi pa rin ang dalaga. Hindi kita pababayaan, Min Joo. Ayokong maulit na naman 'to. Bulong ni Kai sa sarili niya. Yinakap ulit siya ni Kai, napapikit ang binata saka hinalikan ang ulo nito. Pinapatahan pa rin niya.

Spellbound [EXO FF]Onde histórias criam vida. Descubra agora