XXXV. Courage

24 1 0
                                    

"Ano bang trip mo ngayon, oppa?" Tanong ni Hee Rin kay Suho. Kasalukuyang naglilibot sila kung saan-saan.

"Wala naman." Simpleng sagot niya saka nakangiting tumingin sa dalaga. "Wala naman kaseng magawa sa Academy."

"Kaya nagyaya ka nalang na lumabas kaysa mag-practice tayo?" Tanong ni Hee Rin habang iniinom ang Bubble Tea na binili ni Suho para sa kanya. Tumango si Suho saka uminom ng kanyang bubble tea.

"Pero sigurado ka bang hindi ka maumukhaan, oppa?" She asked.

"Ewan. Sana hindi." Alanganin niyang sagot.

"Saan tayo pupunta, oppa?" Tanong na naman ni Hee Rin.

"Hm, saan ba?" Napaisip naman itong si Suho. "Park?" Sabay nilang salita nang magkatinginan sila. Napatawa naman silang pareho. "Tara." Sambit naman ni Suho.

"Medyo marami-raming tao ngayon ah." Sambit ni Hee Rin. Ice cream naman ang hawak niya ngayon.

"Oo nga." Sagot ni Suho na kumakain din ng ice cream.

Patuloy silang nagkukwentuhan do'n sa parke. Dahil di kalayuan ang kalsada mula sa kinauupuan nila, may napadaang kotse roon. Lulan ng kotseng 'yon ang isang lalaki. Nakatulala lang siya sa labas ng biglang mapansin niya si Suho at Hee Rin sa di kalayuan. Masaya silang nag-uusap at nagbabangayan. Tila naging slow motion lahat para sa kanya ng makita lahat 'yon. Nalungkot ang kanyang mukha at para bang may kung ano na masakit sa dibdib niya.

"Ganito pala ang feeling ng nagseselos." Sambit ni Lay sa sarili niya nang makalayo na sila mula sa parke. Napapikit siya't napakunot noo, para bang may iniindang sakit.

"Yixing. Okay ka lang ba?" Mahinang tanong ng driver ni Mr. Lee, siya kaseng nag-drive para sa kanya papunta sa bahay ng CEO.

"Okay lang po. Medyo inaantok lang." Palusot naman niya.

"Oo pala, oppa. Alam mo ba kung saan pumunta si Lay oppa?" Hee Rin asked Suho. Baka sakaling may alam si Suho oppa. Namimiss ko na si Lay oppa eh. She thought to herself.

Medyo nag-iba ang facial expression ni Suho ng marinig 'yong tanong niya, "Hindi ko rin alam eh. Basta ang sinabi lang niya, aalis na daw muna siya."

"Tapos?"

"Babalik daw siya after one week." Dagdag niya.

"Ahh~" Salita nalang niya.

"Ano bang meron kayo ni Lay?" Suho asked.

"Huh? Anong meron... kami?" She echoed as she looked at Suho, looking confused.

"Oo. Kase, hindi ka pa namin masyado kilala no'n pero siya parang kilalang kilala ka niya."

"Ohh~ kase ganito 'yon... nagkakilala kami sa piano room. Syempre kilala ko na siya kase fan din naman ako ng EXO." Sabay nginitian si Suho. "Ayun nga, tapos madalas kung nasaan ako, nando'n siya. Ewan ko kung bakit gano'n. Atsaka, napansin ko din na parehas kami ng hilig." She answered honestly.

"Parehas talaga kayo ng hilig. Parehas kayong all-rounder." Suho beamed. "Naiinggit din ako kay Lay, sa totoo lang. Halos nasa kanya na lahat. Sana katulad ko na lang siya." Suho thought.

"Di ba si Suho oppa 'yon? Sino 'yong kasama niyang girl?" Narinig ni Hee Rin ang sinabing 'yon di kalayuan mula sa kanila.

"Oppa, may problema. Mukhang namukhaan ka na nila," ani Hee Rin.

"Kanina ko pa napapansin pero hindi lang ako nagpapahalata." Salita naman ni Suho. Tumayo silang pareho. "Paano ba 'yan. Medyo dumarami na ohh." Saad ni Suho ng makatayo ito at inaayos ang kanyang damit at suot na sumbrero.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon