Sidestory #2 pt. 7

26 0 0
                                    

Pt. 7 - Kahit Ipagsigawan Ko

 

Kinabukasan, dumating na nga 'tong si Min Joo sa dining at tinitignan siya ng lahat. Magulo ang buhok at para bang isang taong grasa na linalampasan lang sa lansangan. Nakakain na 'yong iba habang kumakain palang 'yong iba at siya na lamang ang hindi pa kumakain.

"Ang sakit ng ulo ko," sambit niya habang naglalakad na parang zombie papalapit sa isang bakanteng upuan.

"Kaya mo na ba?" Tanong agad ni Kai na ngumunguya ng pagkain niya.

"Huh? Bakit? Anong nangyare?" Tanong niyang nanlalaki ang mga mata at tinignan niya sila. "Wala ako masyado matandaan--Ah! May naalala ako." Sabay upo sa upuan.

"Ano 'yon?" Tanong ni Baekhyun.

"Hindi ko sure pero..."

"Pero...?" They echoed.

"Pero may yinakap daw ako. Tapos iyak daw ako ng iyak?" Pagtutuloy niya saka humalakhak.

"Ani. Aniyo! Baka panaginip lang 'yon. Wala naman akong pake eh." She said with a smile at nagsimula nang kumain.

Sa sinabi niyang 'yon, napatingin sila kay Kai na walang ginagawa kundi kumain lang. Lagi naman eh. Lagi ka namang walang pake. Isip ni Kai.

"Paano kung 'yong nangyari kagabi... totoo talaga?" Tanong ni Kai habang kumukuha ulit ng pagkain niya.

"Wag mo nga 'kong sabihan ng ganyan! Tigil tigilan mo ako, ha?!" Sigaw ni Min Joo habang itinuturo-turo si Kai gamit ang kanyang tinidor.

"Paano kung, sabi ko lang naman!" Sagot ni Kai. "Atsaka, nando'n ako kaya alam ko. May mga sinasabi ka pa nga eh. Wag mo ako iwan, natatakot ako!" Sabay gaya sa boses niya.

"Ayaw mo pa nga bitawan kamay ko no'ng una eh!" Dagdag niya pa. Nagsisi tuloy siyang sinabi niya 'yon. Marahan niyang ibinaba ang kanyang kubyertos saka uminom ng tubig.

Nagsimula na naman silang dalawa. Wala nang nagawa 'yong iba kundi ipagpatuloy ang kanilang naudlot na kain.

"What the--wait, AH?!" Sambit niya. "So, ibig sabihin..."

"Ano?!" Tanong ni Kai sa kanya na nakakunot noo.

"Ikaw 'yong kayakap ko kagabi?" Seryosong tanong niya habang magkasalubong ang kilay.

Naibuga naman ni Kai 'yong iniinom niyang tubig. Nang marinig nila 'yon, tumawa sila at inasar si Kai. "What the! Mahiya ka nga! Anong yinakap?!" Sigaw ni Kai. "Lasing ka no'n, baka guni-guni mo lang 'yon!" Deny ni Kai.

"Pwede bang kalimutan mo nalang 'yon?!" Sabi niya kay Kai. Tumango naman ito.

"Basta ang naalala ko, kumakain kami ni Umin oppa ng cereal," sagdag niya at nginitian si Xiumin. "Basta wag mo nalang intindihin yung nga pinagsasabi at ginawa ko sa 'yo kung meron, Jongin." Aniya sa kalmadong tono.

"Arasseo." Sambit naman ni Kai.

"May sinabi ba akong pangalan?!" Tanong niya ulit.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now