Sidestory #2 pt. 25

20 0 0
                                    

Pt. 25 - Hidden Message

"Nakakapagod din palang makipag-usap sa mga gano'ng events." Sambit ni Min Joo saka sumalampak sa sofa pagdating nila sa condo unit ni Kai.

"Sorry talaga," sambit ni Kai. Inalis niya ang kanyang tie.

"Nasa'n na 'yong kapalit?" She asked.

"Nagpa-deliver na 'ko ng paborito mo kaya hintayin mo nalang." Sambit ni Kai saka hinubad ang kanyang tuxedo.

"Wag kang mag-bold sa harap ko." Sambit ni Min Joo saka in-on ang TV.

"Gusto mo rin lang," aniya.

"M-May sinabi ka?!" Nautal na salita ni Min Joo. Sa sinabi kasi ni Kai na 'yon, naramdaman niyang nag-init ang mukha niya.

"Sabi ko, magpalit ka na rin kase." Sambit niya.

Pagkatapos ng kanilang saglit na bangayan, nabalot ng katahimikan ang buong unit ni Kai bukod sa ingay na nagmumula sa TV. Napansin naman ni Min Joo ang namuong katahimikan do'n kaya agad niyang pinuntahan si Kai.

"Jongin." Tawag niya. "Jongin. Nasa'n ka?" She asked habang naglalakad sa patungo sa kwarto.

"Kyaa!" Sigaw niya bigla at napansandal sa may pader. "Jong--"

Naka-topless si Jongin, na-corner niya si Min Joo, "Wala ka pa bang balik magpalit?" He asked as he was looking at her eyes.

"N-Nagpapalit ka palang naman kase eh... eh kaya mamaya nalang." She's stuttering and looked away.

Napansin 'to ni Kai kaya, "Look at me, Min Joo."

Tinignan naman siya ni Min Joo kaso inangkin na ng binata ang mga labi niya. He moved closer... and closer until their bodies are too close with each other. Kai kissed her expertly. Min Joo followed his lead. Kai kissed her neck at pasimple niyang inaalis ang ribbon sa likod ng dress ni Min Joo--

DING DONG! DING DONG!

Fuck! Wrong timing! Bumitaw silang pareho. "Mga pagkain mo." Sambit ni Kai para alisin ang awkwardness na nabuo sa kanila.

Umalis si Kai para pagbuksan 'yong nagdo-doorbell. Min Joo pursed her lips, licked her lower lip and bit it.

Buti nalang may nag-doorbell. Kung walang umeksena hindi ko na alam kung saan na kami nakarating. She thought as she maintained her composure.

"Nasarapan ka ba't nakatayo ka pa rin diyan?" Sambit ni Kai habang bitbit ang mga pagkain nila patungo ng kusina.

Sinundan niya ang tingin ang binata, "A-Ano?! Wag ka ngang feeling!" Sigaw ni Min Joo.

"Wala ka ba talagang balak na magpalit?" He asked. "Akala ko ba ayaw mo sa mga dress?" Mapang-asar ang ngiti ni Jongin.

"Napansin ko kase, hindi ako babae kapag kasama kita." Ngayon lang niya na-realize.

"Eh anong tawag mo do'n sa nangyari kanina?" He smirked.

"L-Loko! H-Hindi 'yon 'yong ibig kong sabihin! I-Iyong damit 'yong ibig kong sabihin, 'yong suot ko!" Nauutal na sambit ni Min Joo.

"Heh. Bakit ka nauutal?" Asar ni Kai.

"H-Hindi ah! Sinong nauutal?" She asked.

"Min Joo. Saan ka pupunta?" Kai asked.

"Magpapa--" She was cut off dahil sa backhug ni Kai. Ang isa niyang kamay nakasirko sa leeg ng dalaga, habang ang isa ay sa kanyang baywang.

Ipinatong ni Kai ang kanyang baba sa balikat ni Min Joo, "Sa totoo lang... ang ganda mo sa suot mo ngayon." Kai whispered in his sexy, husky voice.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now