XIII. Unknown Feelings

26 0 0
                                    

"Saan tayo pupunta, guys?" Tanong ni Suho sa kanila ng malapit na sa gate. Lalabas na sila.

"Bubble Tea! Bubble Tea!" Sigaw ni Min Joo na parang bata. Napairap naman si Hee Rin at sinabing, "Hindi ka ba nagsasawa do'n?"

"Eh 'di kain tayo ng street foods!" Singit ni Chan Ki. Wala namang tumutol kaya dumiretso na sila sa mga stalls malapit sa Academy.

Habang naglalakad sila... "Chan Ki, di ba mahilig ka sa gulay?" Baekhyun asked with a smile. Napansin ito no'ng kainan sa Evergreen. Todo papak siya ng vegetable salad eh.

"Oo, oppa! Super duper love ko ang gulay." Sambit nito at proud na proud pa siya.

"Sana ako nalang 'yong gulay." Sambit ni Baekhyun sa sarili niya.

"Ikaw, oppa? Kumakain ka no'n?" Tanong nito at nagulat naman itong si Baekhyun.

"Oo naman! Atsaka, may vegetable garden sa bahay ni grandma--" Napatigil naman si Baekhyun when Chan Ki clings to his arm.

"Uwaaa~ gusto ko pumunta do'n, oppa. Jebal." Sambit niya na parang batang nagpapabili ng laruan. Hindi naman alam ni Baekhyun kung anong magiging reaction niya. Hindi naman siya makatanggi.

Baekhyun cleared his throat and said, "Sige, sige. Dadalhin kita do'n next time. Ipapakilala kita kay lola, siguradong magugustuhan ka no'n, mahilig ka sa gulay eh." Chan Ki smiled at him at napa-blush naman ang loko.

Taemin suddenly coughed. Pinapatamaan niya 'yong dalawang naglalandian sa tabi nila.

"Bakit? Inuubo ka?" Bigla naman tanong ni Min Joo. "Masama pakiramdam mo?" Nagulat siya at bigla nalang nagpa-cute. Taemin, ano namang trip mo?

"Ah, hindi... hindi ko alam." Sagot niya sa mahinang boses. Nanlaki ang mga mata nito ng biglang hinawakan ni Min Joo ang noo niya. Napakunot noo si Min Joo at hinawakan din ito sa leeg. Gusto lang naman niyang malaman kung may sakit si Taemin.

"Hindi ka naman linalagnat." Sabay bitaw sa leeg nito.

"Ano... Ayos lang ako. Anong gusto mong street food?" Tanong nito.

"Kahit ano." She answered with a smile. Napa-blush naman itong si Taemin.

Hindi naman alam no'ng dalawang nasa harap kung anong nangyayari sa likod dahil nagkanya-kanya silang mundo. Kasama naman ngayon ni Suho si Hee Rin. Napainat ang dalaga at sinabing, "Ang saya naman. Monday na monday, rest day."

"Oo naman para hindi naman tayo ma-over sa training." Sagot ni Suho.

"Oppa, bakit ang bait mo?" Biglang tanong ni Hee Rin kaya natahimik si Suho. Hindi niya ito nasagot agad.

"Uhm... hindi ko din alam. Basta... gusto ko 'tong ginagawa ko at masaya ako." Iyon na lamang ang naisagot niya.

"Ohh~ for sure, maswerte ang magiging girlfriend mo sa future, oppa." Sabi niya.

Hindi na niya talaga alam kung anong isasagot niya. "Maswerte naman saan?" He asked out of nowhere. Wala siyang masabing iba eh.

"Mabait ka... Magaling mag-lead. Down to earth. Humble. Last not but the least, mahal na mahal mo 'yong mga taong nakapaligid sa 'yo." She answered with a smile kaya napangiti din si Suho.

"Sana nga. Magustuhan at mahalin din ako ng mga taong mahal ko." He said in a low tone.

"Bakit naman hindi, oppa? Syempre. Mahal na mahal ka namin." She answered kaya mas lalong namula itong si Suho.

"Oh! Ddeokbokki!" Bulaslas ni Baekhyun.

"Tara?!" Aya ni Taemin.

Hindi na sila kumain ng street foods at dumiretso nalang sa stall na 'yon. "Ako nalang magbabayad." Volunteer ni Suho ng makaupo sila. "Mamili nalang kayo ng gusto niyo."

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now