Sidestory #2 pt. 21

27 0 0
                                    

Pt. 21 - We Are SUNGAM!

"Sabi ko na nga ba eh, ikaw ang may pakana nito." Panimula ni Min Hyuk nang makapasok si Youngmin sa kwarto kung saan sila nakakulong ni Ji Hyun. "Gano'n ka nalang ba ka-demonyo para ganituhin si Ji Hyun, binababoy pa siya. Did you stoop down that low, appa?" Galit niyang tanong.

Hindi umiimik si Youngmin at inilihis pa ang tingin nito. Nagulat din 'yong staff niya at lalaking nagbabantay sa kanya. Kahit nga si Ji Hyun, hindi makapaniwala sa narinig niya. Hindi niya aakalaaing anak pala niya si Min Hyuk.

"You, devil! Hindi ko alam na ganito ka pala. To think na gawin mo 'to sa taong mahal ko... WALA KANG PUSO!" Sigaw niya.

"Min Hyuk-ah... I--"

"Don't explain yourself! Mas gugustuhin ko nalang mamatay kaysa maipahiya dahil sa mga kabulastugang ginagawa mo!" Sigaw niya. Hindi makasagot si Youngmin kaya nag-walkout nalang siya. Bumalik siya agad sa kanyang office.

"Min Hyuk-ah... appa mo si... Mr. Kim?" Mangiyak-ngiyak na tanong ng dalaga.

"Sad to say... oo. Pero ikinahihiya ko siya. Saka ko rin lang nalaman na ganito pala ang mga giangawa niya."

Humarap si Ji Hyun sa kanya, "paano mo nalamang nandito ako?" She asked.

Bumuntong hininga si Min Hyuk saka sinagot ang tanong ng dalaga, "Chan Yeon." He mouthed to her and signalled to keep quiet.

Nanlaki ang mga mata ni Ji Hyun sa narinig niya. "She knew?"

"Tauhan siya ni appa. Imposibleng hindi niya malalaman 'to."

"But why? Why did she tell you?" She asked.

"Alam niya kung anong tama sa mali, Ji Hyun. Iyon lang 'yon." He answered. "We will just have to wait for now. Alam kong parating na sila para iligtas tayo."

[...]

"Mr. Kim, anong gagawin natin sa kanila?" Tanong no'ng lalaking bantay ni Ji Hyun at nang anak niyang si Min Hyuk.

"Hindi ko rin alam eh. Hindi ko kase alam na ka-relasyon ng anak ko si Ji Hyun. Ayoko siyang madamay pero bakit kailangang masangkot din siya." Malungkot niyang tugon. "Basta bantayan mo lang sila, wag mo silang hayaang makaalis dito. Kung talagang lalaban sila, labanan mo na rin."

"Ne, seonsaengnim." Sagot niya. "Kahit na may mangyari po sa anak niyo?"

"He's a threat. Disposed him, too."

Narinig 'yon ni Min Hyuk pero wala rin naman siyang magagawa. That's how evil his father is. Naging mabuti naman siyang anak sa kanya and such pero hindi niya alam kung bakit nga ba siya nagkagano'n. Nakarinig siya ng mga yabag na papalayo mula sa kanila, umalis na si Mr. Kim do'n dahil may inaasikaso pa siya para sa SMA Festival bukas.

"Ji Hyun." Mahinang tawag ni Min Hyuk, nagtutulug-tulugan lang pala sila.

"Alam ko nahanap na nila ako. Konting tiis nalang, ha?" Bulong niya. Tumango lang si Ji Hyun sa sinabi niya.

"Miro, take charge. Aalis lang ako saglit." Sambit ng lalaki.

[...]

"So, dito ka pala pumupunta, huh?" Sambit ni Fourth ng makitang lumabas si Kim Youngmin sa lumang building na kinaroroonan no'ng dalawa.

"Siya po 'yong nagpa-kidnap kay Ji Hyun. Ang alam ko, girlfriend ng anak niya si Ji Hyun atsaka lagi silang magkasama sa SME dati." Salita ng bodyguard na kasama ni Fourth.

"Oh~ tumawag na ba kayo ng pulis?" Tanong ni Fourth.

"Yes. Papunta na raw po sila."

"Good." Sambit niya. "May dala ba kayong damit para kay Ji Hyun?"

Spellbound [EXO FF]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora