LIII. It Tasted Like It's The Last Time

97 1 7
                                    

"Kyungsoo-ah." Tawag ni Hyun Ki nang makita niya si D.O na nando'n sa tapat ng bahay nila dala ang kanyang kotse. "Ang aga mo yata ngayon. May lakad ba kayo?" Takang tanong ni Hyun Ki.

"Wala naman po pero sabi po kase niya maaga raw po siya ngayon para sa rehearsals nila." Sagot niya habang papasok sila sa loob.

"Sa totoo lang, tulog pa siya." Mahinang tugon ni Hyun Ki.

"T-Tulog pa po?" He asked.

"Oo eh. Mukhang pagod na pagod kase siya pagdating niya kagabi. Kung gusto mo siyang puntahan, puntahan mo nalang sa kwarto niya." Ani Hyun Ki saka humikab.

"Okay lang po ba?" He asked.

Tumango ang nakatatanda.

Tumungo siya roon saka naabutang tulog pa nga. Umupo siya sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog na si Chan Ki.

He started to sing a lullaby while caressing her hair.

Sumisilip na ang liwanag ng araw sa kwarto ni Chan Ki dahilan para maalimpungatan na siya. Akmang tatayo na sana siya ng mapansing parang bumigat ang kanyang higaan. Umupo siya at napansin si D.O na nando'n, nakatulog na sa gilid ng kanyang kama habang nakaupo sa isang upuan.

Ang aga niya yatang pumunta rito. Chan Ki thought. Tinignan niya si D.O, He look peaceful. Saka hinawakan ang kanyang buhok.

Hindi ko talaga aakalain na magugustuhan niya 'ko... Dream come true para sa 'kin. Isip niya habang hinahawakan pa rin ang buhok ni D.O.

-

"Joo." Tawag ni Kai kay Min Joo habang tinatapik tapik ang pisngi ng dalaga. Natulog kase si Kai sa bahay nila Min Joo, mag-isa rin kase niya do'n baka raw mapa'no siya. Imbes na magising si Min Joo, yumakap pa siya lalo kay Kai, magkatabi kase silang natulog.

"Joo. Maaga ka pa ngayon, bangon na." He said softly while caressing her hair.

"Mamaya, please?" Bulong nito.

"Baka ma-late ka."

"Hindi 'yan."

"Bumangon ka na. Nagpa-deliver na 'ko ng kakainin natin mula sa bahay. Bumangon ka na."

"Ano bang ipinadala mong pagkain?" She asked.

"Mga paborito mo."

Bigla siyang bumangon, "Seryoso?!"

Tumango naman si Kai, "Ipupunta palang dito kaya bumangon ka na."

"Okay!" Masaya naman niyang sambit saka nga bumangon.

Ang weird niya talaga kahit kailan. Bipolar pa. Kai thought, pero natawa nalang din siya sa naisip niya. She's the weirdest but I still love her. Sheesh. This girl... she really make me go crazy.

-

"Girls!" Sigaw ni Seul Joo para kunin ang atensyon ng grupo. Napalingon sila sa kanya saka umayos. Siya kase ang tumatayong leader nila kaya agad siyang pinapakinggan.

"This is our last rehearsal. Let's do our best!"

Kasabay ng paglahad niya sa kamay niya sa ere. Agad namang lumapit ang lima saka inilahad ang kamay nila sa ibabaw ng kamay ni Seul Joo. "Fighting!"

Nagsimula agad silang mag-rehearse for the last time, paano kase, start na ng SMA Festival bukas. Simula kase bukas, hindi na pwedeng mag-rehearse sa mismong Academy or sa SME building, ipapagamit kase halos lahat ng room.

"Naka-decide na ba kayo ng mga kakantahin niyo?" Tanong ni Seul Joo sa kanila.

"Hindi pa." Salita ni Chan Ki.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon