XXV. See Me

27 0 0
                                    

Bumaba naman ang kalalakihang nakalulan sa dalawang kotse. Nando'n sila ngayon sa parking lot ng isang mall. Nakaagaw pansin sila dahil sa mga tindig ng mga ito kung kaya't pinagtinginan sila ng mga tao. Namukhaan sila kaya... "Pasok ulit sa loob, kkaepsong~" Sabi ni Baekhyun at tumawa.

"Tingin nalang tayo ng mga shops sa kabilang district. Iyong pinuntahan natin no'ng shooting." Sambit naman ni Kris kaya pumasok na naman sila sa mga kotse. Kumapal din ang dami ng tao dahil sa pagpunta nila do'n.

"Why does it always have to be like this?" Tanong ni Duizhang sabay paatras sa kotse at kinabig ang manibela pakaliwa para puntahan ang exit.

"Ano kayang pwedeng bilhin?" Tanong ni Baekhyun. Bigla naman niyang naalala na si D.O ang kasama ni Chan Ki sa residence.

"Hindi naman siguro aagawin ni D.O si Chan Ki sa akin, ano?" Bulong niya sa sarili niya. In the first place, hindi kayo Byun Baekhyun. H'wag assuming.

"Ipaparada ko nalang malapit sa isang coffee shop. Do'n nalang tayo magkikita-kita," sabi ni Kris. Ipinarada rin ni Kai ang kanyang kotse doon.

Bumaba na sila. "Balik nalang kayo dito." Sambit ni Kris ng makalabas na silang lahat.

"Oo nga pala, saan pumunta si Channie, hyung?" Tao asked Kris habang naglalakad sila. Silang dalawa ang magkasama ngayon.

"I don't know. Hinahanap ko nga rin siya kanina eh." Sagot ni Kris sa kanya.

"Hyung! May nakita akong Gucci. Tara?" Excited na tanong ni Tao kay Kris.

"Ani. Tara sa kabila at hindi tayo pumunta dito para bumili ng Gucci." Paalala ni Kris.

Napanguso nalang 'tong si Tao sa sinabi ni Kris, "Arasseo, hyung."

"Xiumin hyung, saan tayo bibili?" Tanong naman ni Kai kay Umin, humiwalay silang tatlo nila Baekhyun sa TaoRis.

"Kahit saan. Saan ba maganda?" He asked.

"Ewan ko rin, hyung. Libot nalang tayo." Sagot naman ni Kai.

"Alam mo ba kung saan pumunta si Sung Mi-ah?" Tanong niya sa dongsaeng niya.

"Aniyo. Wae, hyung?" Napatingin si Kai sa isang shop.

"Paggising ko kase wala na siya. Tapos may iniwan siyang note sa table sa room." Sambit niya at pumasok sila sa may isang shop. "Sabi do'n may pupuntahan daw siya. Hindi ko naman alam kung saan."

"Ahh~ baka may importante lang siyang pinuntahan." Sambit ni Kai. "Gusto mo ba siya, hyung?" He asked.

"Aniyo." Sagot naman agad ni Xiumin kaya nagulat itong si Kai. "Magkaibigan lang kami. Atsaka gusto niya si Chanyeol, di ba?" Sabi niya habang tinitignan ang damit na naka-display.

"Ahh. Akala ko naman kung gusto mo siya." Kai beamed.

Napangiti si Umin, "Eh ikaw? Kailan mo balak sabihin kay Min Joo 'yang nararamdaman mo?" He asked.

Napatigil si Kai at naalala niya kung anong ginawa niya no'ng nasa Mansion sila. "Damn, bakit ko nga pala ginawa 'yon?" Tanong niya sa sarili niya.

"Hyung." Tawag niya at humarap sa kanya. "Kahit ipagsigawan ko sa buong mundo o kaya sa mismong harap niya, hindi niya pa rin maiintindihan. Gano'n ka-dense si Min Joo."

Ipinatong nalang ni Xiumin ang kanyang kamay sa balikat niya, "Darating ang araw na magugustuhan ka rin niya, Jongin." Tugon nalang niya para bigyan ng pag-asa si Kai.

"Konting tiis lang. Basta kapag may problema..." Sabay turo sa sarili niya, "Lapit ka sa akin. Tutulungan kita."

"Gamsa, hyung." Nagpalitan sila ng ngiti at itinuloy ang kanilang pamimili.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now