XXVIII. Notice Me

35 0 0
                                    

"Cheers!" Sigaw nilang lahat. Sabay tagay. Palalim na ang gabi ng mga oras na 'yon.

"Para kay Chen!" Sigaw ulit nila. "CHEERS!"

Nag-vibrate ang phone ni Lay kaya lumayo siya para sagutin ito. "Yeoboseyo?"

"Yixing." Sambit ng boses.

"Eunhyuk hyung?" Tanong niya.

"Ako nga... kamusta kayo ni Hee Rin?" He asked.

"Ne?" Napakunot noo siya dahil sa tanong.

"I mean, kamusta kayo diyan?" Pag-iiba niya ng tanong.

"Okay naman po," sagot niya.

"Ang ingay diyan ah. Anong okasyon?" He asked.

"Birthday ngayon ni Chen, hyung." Sagot naman agad ni Lay.

"Ah? Jeongmal? Pakisabi nalang Happy Birthday."

"Sige, hyung."

"Matanong kita, umiinom kayo? Sinong nagyayang uminom kayo?"

Lay chuckled, "Si Hee Rin po."

"Soju ba? Naku. Bantayan mo. Kapag nakaanim na siya na bote, patigilin mo na ah? Buti sana kapag vodka or whiskey, makakatagal siya." Paalala ni Eunhyuk.

"Sige, hyung. Kailan po kayo uuwi?" He asked as he faced the group.

"Hindi ko alam. Mukhang mapapaaga eh. Basta, wag mo siyang iwan mag-isa. Okay?"

"Ne, hyung."

"Sige. Annyeong!"

"Annyeong!" Sabay baba sa linya.

Lumapit sa kanya si Hee Rin, "Sinong kausap mo, oppa?" Tanong ni Hee Rin habang nakahawak ng isang boteng soju.

"Si Eunhyuk hyung," sagot niya at ibinulsa ang kanyang handphone.

"Ohh~" Sabay inakbayan siya ni Hee Rin. "Tinatawagan ka niya, ako hindi. Ang daya talaga ng bugok na 'yon."

"Kinakamusta ka nga eh," sabay gulo sa buhok ng dalaga. Inalis niya ang pagkakaakbay ni Hee Rin. "Umupo ka na do'n."

Hinawakan naman ni Hee Rin ang kamay niya at hinila siya papunta sa grupo. "Chen. Saengil Chukhae sabi ni Eunhyuk hyung, ka--pinsan ni Hee Rin." Singit ni Lay.

"Grabe! Muntik ko nang nasabi." Bulong niya sa sarili niya. Sabay inom ng juice.

"Junmyeon. Mauna na kami, ha? Lasing na 'tong dalawa eh. Baka pagalitan kami ni manager hyung." Paalam na ni Onew.

"Sige, hyung. Samahan na namin kayo ni D.O sa parking lot." Offer ni Suho.

"Min Joo-ah. Aalis na kami." Paalam ni Taemin, magkatabi lang sila.

"Oppa~ mamaya muna, pwede?" Sambit ni Min Joo. "Dito ka nalang matulog."

"Min Joo-ah, hindi pwede. Sige na, pupunta na kami." Tumayo na si Taemin. Maglalakad na siya palayo ng hinawakan ni Min Joo ang kamay niya. Nagulat naman ang binata sa ginawa niya.

"Taemin oppa... Salamat sa oras." Nginitian siya ni Min Joo. Natuwa naman itong si Taemin dahil sa nakita niyang napakagandang ngiti ng dalaga.

"Ne. Thank you din." Matapos nilang magpaalam sa isa't isa, tinitignan na lamang ni Min Joo ang likod ni Taemin habang naglalakad palayo.

Bumalik na siya sa upuan niya. "Close pala kayo ni Taemin?" Biglang singit ni Kai ng makaupo siya.

"Oo. Siya 'yong taong nagturo sa 'kin na hindi lahat ng tao... walang kwenta." Sambit nito at uminom.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now