XL. Take Me To Somewhere

22 0 0
                                    

Matapos ng pagbisita ni Min Joo sa bahay nila Hee Rin, inihatid ni Hee Rin si Min Joo sa Academy. Sumaglit siya do'n bago tumungo sa bubble tea shop. Um-order siya saka umupo do'n sa pwesto nila ni Eunhyuk dati. Napapangiti siya habang palinga-linga.

"Ngayon lang ako ulit pupunta dito. Naalala ko tuloy ng makita ko si Chen oppa at Sehun oppa dito." She thought to herself.

Sa di kalayuan, may kambal siyang nakita. Masaya silang nagtatawanan. Habang tinititigan niya 'yong kambal, napatingin naman sila sa kanya. Napangiti sila sa kanya kaya napangiti din ang dalaga. Napalingon siya sa labas sandali nang biglang may umupo sa harap niya.

"Annyeong, unni. Mag-isa ka lang ba?" Tanong no'ng babae. Lumipat pala 'yong kambal sa table niya.

"Oo eh. May kasama dapat ako ngayon pero wala siya eh. Matagal na niya akong hindi tinatawagan or kahit man lang message, e-mail... wala." Sagot niya saka lumungkot ang expression sa mukha niya habang nakatingin sa kambal.

"Cheer up, unni. Babalik din siya sa 'yo sigurado, di ba, Zhong?" Sambit no'ng babae.

"Tama si Mei, noona." The other one seconded.

"Oo pala, noona... may alam ka bang pwedeng pagbilhan ng masarap na cake?" Tanong no'ng nagngangalang Zhong.

"Meron, marami. May bakeshop 'yong kaibigan ko, gusto niyo puntahan?" She asked.

"Sige, unni. Mamaya. Ano palang name mo, unni?" Tanong no'ng Mei.

"Hee Rin. Shim Hee Rin." Simpleng sagot niya as she sipped her bubble tea.

Napa-O 'yong bibig no'ng kambal ng marinig 'yong pangalan niya. Nagtaka namin si Hee Rin. Napatango-tango sila habang nakatingin kay Hee Rin. "Sabi kase sa 'yo, Mei. Siya 'yon eh!" Biglang salita ni Zhong.

"Hindi ko namukhaan no'ng una eh!" Salita naman ni Mei.

"Kilala... niyo 'ko?" Hee Rin asked.

"Oo, unni. Nagkukwento kase si oppa sa 'min eh. Ang ganda mo sa picture, mas maganda na naman sa personal," paglalarawan ni Mei. "Mukha ka pang prinsesa."

"Talented pa." Dagdag ni Zhong.

"Wait lang. Wait lang. Ano bang names niyo?" Tanong ni Hee Rin sa kambal.

"Zhang Meixing." Sagot no'ng babae.

"Zhang Huizhong." Sagot no'ng lalaki.

"Omo." Sambit niya, saka napatigil. "Kapatid niyo si Zhang Yixing?!" Sigaw niya, napatayo pa. Hinila siya ni Huizhong saka napaupo ulit tapos sumenyas si Meixing na tumahimik siya.

"Unni naman eh!" Pout ni Meixing.

"Wag ka maingay, noona. Baka may makarinig sa 'tin. Atsaka, kaya kami nagtatanong ng about sa cake kase gusto naming i-surprise si Xing-ge." Ani Huizhong.

"Malapit na kase birthday niya kaya kami pumunta dito ni Zhong. Balita nga namin baka babalik na muna siya ng China habang nagre-recover siya." Ani Meixing.

"Recover? Anong nangyari kay, oppa?" Hee Rin asked.

"Hi-Hindi mo alam, unni?" Tanong ni Meixing.

"Hindi niya sinabi sa 'yo, noona?" Tanong din ni Huizhong. Hee Rin shooked her head.

"Nagpa-ospital siya. May kung anong nararamdaman na naman siya eh. Buti nga raw hindi 'yong hemophilia niya."

"Hindi niya sinabi sa 'kin." Nalungkot si Hee Rin at napanguso.

"Loko talaga 'yon. Ayaw lang niya talagang siguro mag-alala ka para sa kanya, noona. Kung hindi nga sinabi ni ahjussi... malamang hindi rin namin malalaman. Gano'n ka-sikreto si Xing-ge." Ani Huizhong.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now