LXX. When Our Worlds Fall Apart

49 1 2
                                    

"Zhang Yixing?" Bulong ng dating Prime Minister nang may nasabi si Leo about sa isang top secret information na tanging Blue House lamang ang nakakaalam. Under supervision palang ngayon si Suho dahil bagong upo pa lamang siya.

Narinig pa rin naman 'to ni Suho na ksalukuyang nagbabasa do'n ngayon. Napakunot noo siya, Bakit si Yixing? Bulong niya sa sarili niya.

"Paano po ang gagawin natin? Hindi naman po siguro tayo gigyerahin ng China kapag nalaman nilang nandito 'yong nawawala nilang prinsipe." Bulong ni Leo.

Nanlaki ang mga mata ni Suho kaya nabitawan niya ang librong hawak niya. Napatingin sila sa kanya dahil do'n.

"May problema ba, Junmyeon?" Tanong sa kanya.

Napatingin siya sa kanila, "A-Ah, wala naman po. Dumulas lang po sa kamay ko 'yong libro." Palusot niya saka pinulot ang libro.

Nagpatuloy silang nag-uusap, "Kailangan natin siyang i-surrender." Salita ng dating Prime Minister saka pumangalumbaba. "Ayokong magkagulo sa panig nila at panig natin." Aniya.

"Nandito na po kase sila sa Korea at mukhang susunduin na nga po nila si Yixing." Tugon ni Leo.

Napabuntong hininga ang matanda. "Bahala na. Ayokong makialam. Ang importante makaalis siya dito sa bansa nang hindi nalalaman ng media. It's better that way."

"Naging refuge na nga po ng high status people ang bansa natin, hindi na 'ko nagtaka." Sambit naman ni Leo.

"Napansin mo rin?"

-

"Nagtataka ako, bakit si Suho oppa ang ipinaupo kung parliament ang government dito. Dynasty ba?" She asked Angelo.

"Hindi ko nga rin po maintindihan princess eh. Sa pagkakaalam ko, Monarch lang ang pwedeng gano'n-"

"Francis? Anong balita?" Sagot ni Angelo sa phone niya.

"Nahanap na naming 'yong taong 'yon. Sir Fourth started the operation. Pakisabi kay Princess na she stay out of this or else baka mapahamak siya. Serial killer 'yong tauhan ni Mr. Kim na 'yon, he might kill one of them." Sagot naman ni Angelo.

"Okay, mag-ingat ka rin."

"Yes!"

"Princess, nahanap na po 'yong tauhan ni Mr. Kim. The operation has now started-"

"Let's go!" Sambit ni Hee Rin.

Hinawakan ni Angelo ang braso niya, "No, princess! Sabi sa 'kin, serial killer 'yong taong 'yon and probably he'll come after any of you. Hayaan niyo nalang pong mga tauhan ni Sir Fourth ang gumawa no'n."

"I cannot sit still."

"Pero, princess-"

"Sorry, Angelo!" She said saka sinikmura si Angelo enough for him to go weak. Binatukan pa niya ito para siguradong tulog.

Bumaba siya at naabutang nanonood si Eunhyuk habang may kausap siya sa kanyang phone, "Saan ka pupunta?" He asked her.

"Lalabas lang saglit." Alanganin siyang ngumiti. Agad siyang lumabas para hindi mapansin ni Eunhyuk.

"Punta muna akong airport." She mumbled. Agad siyang dumiretso sa airport.

"Lay, bakit kailangang gawin mo 'to? Masaya naman tayo, di ba?"

Pagkarating na niya ro'n, agad niyang hinanap ang flight papunta sa Beijing.

"Yixing. Nandito si Hee Rin sa airport, anong gagawin natin?" Tanong sa kanya ni Mr. Lee. "Hindi ka ba nagpaalam sa kanya ng maayos?"

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon