LVI. Our Move

115 2 0
                                    

"Aalis ka na ba talaga sa EXO, Fan-ge?" Tanong ni Rui sa kanya. Nando'n sila ngayon sa unit ni Min Mi.

"Kung kailangan. Naiinis na kase ako, sumosobra na 'yong management... lalo 'yong mga nasa taas." Tugon niya kasabay ng paglukot niya sa tetra pack na ininuman niya.

"Wala talaga kayong magagawa kundi umalis." Singit ni Min Mi. "No doubt na maraming nasisirang grupo sa SM dahil do'n."

"Kahit si Luhan, aalis din, di ba?" Tanong ni Min Mi.

"Oo. Napag-usapan nga namin na kapag nag-debut ang Sungam, aalis na kami. Alam ko namang mabubuwag din kami dahil apo ng Prime Minister si Suho." Aniya.

Wala silang nagawa kundi bumuntong hininga, "We're on crisis. Sana maayos talaga 'tong gulong 'to." Salita nalang ni Min Mi.

"Babalik ka na ba ng Canada, Fan-ge?" Tanong ulit ni Rui habang umiinom ng juice.

"Siguro? Ano pa kaseng gagawin ko dito kung sakali." Aniya.

-

"Okay ka na ba?" Tanong ni Eunhyuk kay BoA. Nasa mansion kase si BoA sa ngayon. Gaya no'ng pagkarating niya kahapon do'n, hindi siya umiimik. Bakas pa rin sa mukha niya ang takot.

"BoA." Mahinang tawag ni Eunhyuk sa kanya kasabay ng kanyang pagyakap. "Alam kong nahihirapan ka dahil sa mga nangyayari sa ngayon." Aniya. Pinagbantaan kase siya ni Mr. Kim at may gustong magpa-kidnap sa kanya.

Naramdaman niya ang kamay ng idolo sa likod niya, humigpit ang yakap niya.

"Gwaenchanha. Nandito lang kami. Don't worry, we will be fine. Hangga't nandito kami ni Hee Rin walang mangyayari sa inyo." Paninigurado niya.

Hindi pa rin nagsasalita si BoA, wala na siyang nagawa kundi umiyak nalang dahil na rin sa pagkabigla.

Kumalas sa yakap si Eunhyuk ng biglang tumunog ang kanyang phone. Napansin niya ang number, "Sagutin ko lang 'to." Aniya. Tumayo siya roon saka pumunta sa may bintana.

"Hello?" Sagot niya, alam niyang tawag 'yon mula sa England.

"I think you should go back. Mas safe kayo dito." Panimula nang nasa kabilang linya.

"We can't leave them, Dad." Tugon naman niya. "Nasimulan na namin ni Hee Rin, tatapusin namin 'to. Alam niyo naman ugali namin."

"Pero kinakabahan ako para sa inyo. Is there any other way na magawa ko para hindi ako mas mag-alala para sa inyo?" Tanong niya. Halatang halata sa tono ng boses niya na nag-aalala siya. Paano kase, mga anak niya parang nakikigyera.

"Send Abby and Bree." Suhestiyon niya. "O kaya si Angelo at Francis."

"Mula pa sa Edinburgh 'yong dalawang 'yon. Kung sila Angelo, mula pa sila sa Sheffield... malayo pa rin."

"Call the Duke's or Count's son or whoever. Kahit sino na na maaasahan namin dito para hindi kayo mag-alala pa. I know you're worried to death." Sambit niya.

Napabuntong hininga siya, "I'll send Abigail and Devon, the Edinburgh sisters to the Philippines para kay Amber."

"Bakit hindi nalang si Bree? She's an expert." Reklamo niya.

"Nasa California si Bree." Sagot niya. "Kasama niya si Patricia ngayon do'n para sa PressCon ng SGB California." Sagot niya.

"I see. Okay lang naman si Devon pero mas matapang talaga kase si Bree. Bahala na. Glasgow and Sheffield houses knew South Korea very well. Alam kong hindi sila mahihirapan. Speaking, how about the Sheffield brothers?" Tanong niya.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now