XXXVIII. Goodnight Kiss

100 2 2
                                    

Alam ni Kai na hindi si Min Joo ang humatak sa kanya, kundi isang sasaeng na nagdamit nang tulad kay Min Joo. Ayaw naman niya kaseng manakit, kase babae pa rin 'yon. Ayaw niyang siyang mapasama. Ayaw niyang masira ang image niya kaya sumama nalang 'to nang tahimik. Tinakpan no'ng sasaeng fan ng tape 'yong bibig ni Kai at iginapos siya. Tapos 'yong phone ni Min Joo na hawak niya, binasag niya. Di lang wasak ang screen kundi ang kabuuan ng phone. "This is what you want, my oppa?! Saranghae. Now, you're mine." Sambit ng sasaeng.

Patuloy pa ring naghahanap si Min Joo. Tumigil na siya sa pag-iyak dahil napakalma na niya ang sarili niya. Habang naglalakad siya patungo sa kabilang bahagi, napansin niya ang case ng kanyang phone malapit sa isang eskinita. Alam niyang sa kanya 'yon dahil pina-customize niya pa 'yon. Sinilip niya ang nasa eskinita at hindi nga siya nagkamali. Nando'n ang imbyernang sasaeng na kaharap ng nakagapos na Kai.

Unti-unti siyang naglakad palapit sa sasaeng, halata ang galit sa mga mata niya. "Tignan mo nga naman, Jongin." Simula ni Min Joo kaya napalingon ang sasaeng. Nagulat siya kase sa pagkakaalam niya dapat inambon si Min Joo do'n sa cafeteria. "Magpapa-kidnap ka na nga lang, sa tatanga tangang katulad mo pa!" Dagdag nitong bulyaw.

Min Joo clenches her first, kasabay ng pagpatak ng dugo mula sa ulo niya.

"Gusto mo siya?" Mapang-asar na tanong ni Min Joo sa sasaeng na kaharap niya.

"Oo! Ayoko siya mapunta sa 'yo!" Sigaw ng sasaeng right on her face.

"Go! Itakbo mo na pero sa isang kundisyon." Sambit niya. Wala na siyang pakialam kung magalit si Kai sa kanya, ang importante makabawi siya sa sasaeng na kaharap niya ngayon.

"Ano?"

"Palitan mo lang naman ang napakaganda kong phone." Walang emotion na sambit ni Min Joo.

"Kaya ko 'yang palitan! Isang dosena pa kung gusto mo!" Sagot naman ng sasaeng sa kanya.

Bigla niyang pinulot ang phone niya. Dahil basag na 'to, pati bubog sinama niya. "EH ITO?! KAYA MO BANG PALITAN?!" Sambit niya at talagang galit na galit siya. Tila ba nagdilim ang paningin niya. Sinampal niya 'yong mukha ng sasaeng gamit 'yong phone niyang basag. Wala siyang pakialam kahit basag at puro bubog pa 'yong ipananghalumbalos niya sa mukha no'ng babae.

Humarap ang sasaeng sa kanya, puro dugo ang nakita niya. Marami ring sugat dahil sa bubog. Hindi pa natinag si Min Joo saka hinawakan ang buhok ng sasaeng ng may pwersa. "Next time, unni... Alamin mo kung sinong kakalabanin mo, ha? Aralin mo namang mabuti ang plano mo para hindi ka na pumalpak next time. Dahil kapag nakita ulit kita... hindi lang 'to ang aabutin mo." Sarkastikong sambit ni Min Joo.

Nanigas sa kanyang kinakatayuan ang babae at hindi man lang niya magawang pumiglas. Nginitian siya ni Min Joo nang ngiting nasisiyahan sa ginagawa niya. "Ingat ka, ha? Tanga mo pa naman." Dagdag niya saka binitiwan ang buhok ng babae.

Kumaripas naman ng takbo 'yong sasaeng habang umiiyak.

Papalapit siya kay Kai na nakatingin lang sa kanya ng mapansin ni Min Joo na may tumutulo mula sa ulo niya. Hinawakan niya 'to, napansin niyang dugo. Imbes na mag-panic siya, nagawa niya pang tumawa despite na sa ulo na siya nasugatan. "Palitan mo 'yong phone ko." Sambit ni Min Joo nang matagal niya ang tali at ang tape na nakadikit sa bunganga ni Kai.

"Ako na bahala do'n." Nakangising sambit ni Kai. Napatawa siya. Napatawa din si Min Joo pero biglang... "Min Joo-ah! Min Joo-ah!" Tawag ni Kai kay Min Joo. Nasalo niya 'to bago tuluyang bumagsak sa lupa.

Dumarami na ang dugong pumapatak mula sa sugat niya. Agad namang binuhat ni Kai ang dalaga patungo sa clinic ng Amusement park.

-

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now