Sidestory #2 pt. 1

59 0 0
                                    

Pt. 1 - Anong Pangalan Mo?


"Appa!" Tawag niya sa kanyang ama ng masagot nito ang telepono.

"Yes, Min Joo ko? May problema ba? Pasensya ha? Busy kase ako--"

"Appa! Gusto ko nang bumalik ng Korea. Balik na 'ko please?"

"Oh sige, basta tapusin mo high school mo with flying colors at papayagan kitang bumalik. Call?"

"Call!" Payag niya agad.

"Ingat ka diyan, ha? I love you!"

"I love you too, appa!" Ibinaba na ni Min Joo ang telepono. Napabuntong hininga nalang siya dahil sa kundisyon ng appa niya. Nagsisisi tuloy siya na pumayag siya agad. Matatapos ko kaya ang high school ko with flying colors?


-


Natapos na ang high school days ni Min Joo at mukhang na-fulfill naman niya ang deal nila ng kanyang appa. Nakabalik siya ng South Korea safe and sound.

"Nami-miss ko 'tong lugar na 'to!" Sabay inat ng makarating siya sa kanilang bahay.

"Min Joo-ssi," tawag sa kanya ng isang lalaki.

"Tae Woon oppa!" Natuwa naman niyang salita saka yinakap ang lalaki sa harap niya.

"Lalo kang gumanda ah. Kumakain ka naman ba ng tama sa Pilipinas?" Tanong sa kanya.

"Syempre naman, oppa." Ngunit napanguso na lamang siya, "Nagugutom ako, may pagkain ba?" Saka ngumiti.

Natawa naman si Tae Woon saka ginulo ang kanyang buhok, "Syempre meron. Anong gusto mo?" Tanong din niya saka ipinasok ang mga gamit ng dalaga.

Napalingon si Min Joo sa bawat parte ng kanilang bahay, "Wala si Eun Jae unni?"

Nagulat naman ni Tae Woon sa tanong niya. Tinignan niya si Min Joo, "Wala siya. Pumunta na ng Paris. Bakit?"

"Wala lang," she deadpanned.

Inilabas niya ang kanyang smartphone para tignan ang kanyang e-mail. May natanggap kase siyang e-mail mula sa isang entertainment agency.

"Oppa, aalis ako bukas. May aasikasuhin lang ako." Paalam niya.

"Okay, basta mag-ingat ka. Pagkatapos mo kumain, magpahinga ka na." Salita din ni Tae Woon habang ipinaghahanda niya ng pagkain si Min Joo.

Nagising si Min Joo dahil sa alarm ng kanyang phone. Sakto lang ang oras na natitira para maghanda siya para sa kanyang pupuntahan.

"Good morning!" Sigaw niya pagkalabas ng kwarto.

"Good morning." Sambit din ni Tae Woon na napatigil dahil sa kanyang pagbati, "May niluto ako para sa 'yo. Magpakabusog."

"Gamsa, oppa." Pasasalamat niya.

Mukha namang napansin ni Tae Woon na masaya at maganda ang gising ni Min Joo kaya napangiti nalang siya.

Nakarating si Min Joo sa isang building, "SM Entertainment." Basa niya sa pangalan ng building.

Pumasok siya roon saka hinanap 'yong taong binanggit sa e-mail.

"Ms. Song, tanggap ka na pala dito. Bale, aakyat tayo para puntahan na si Mr. Lee." Sambit no'ng tauhan do'n.

"Gano'n po ba." She said at mahahalata ang tuwa sa tono ng kanyang pananalita.

Pumunta nga sila sa office ni Mr. Lee Soo Man saka may pinirmahan do'n.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon