VIII. Other Side

218 5 0
                                    

"Sorry I'm late!" Sigaw agad ni Hee Rin ng makarating sa 4th Dance Room.

"8:30 na. Anong ginawa mo at late--"

Achooo! Bahing ni Hee Rin.

"Nangyari sa 'yo?" Lay asked.

"Naulanan kahapon." She answered at sumalampak sa may sofa.

"Yah. Don't sleep. Tayo ka diyan." Lay glared at her. Tumawa naman ng mahina si Hee Rin kase first time niyang makita ang gano'ng expression ni Lay.

Tumayo siya at pumwesto na. "Tuloy natin 'yong kahapon."

Itinuloy nilang sumayaw kahit gano'n ang nararamdaman ni Hee Rin. Nakakatatlong round palang sila ng nakaramdaman na si Hee Rin ng sakit ng ulo. Nakaharap sila ngayon sa salamin at nakakahalata na rin si Lay, namumutla na kase si Hee Rin.

"Should we stop? Namumutla ka na." Salita ni Lay.

"I'm fine." She beamed. Sumayaw ulit sila. Dahil may ikot 'yong step na gagawin nila, umikot si Hee Rin at biglang na-outbalance. Buti nalang nasalo siya agad ni Lay. Ang kasunod no'n ay bumahing na naman si Hee Rin.

"Are you sure you're okay, Rin?" Tanong ni Lay sa nag-aalalang tono. Halos natiis niya ang buong lesson na sumasayaw kahit masama na ang pakiramdam niya.

"Yeah." She answered kasunod na naman no'n ay isang bahing.

"Guess not." Sabi ni Lay. "I think you should skip the next practice."

"No." Pagpupumilit niya.

"Ya. Don't be stubborn! Para maayos na rin pakiramdam mo bukas. You should rest."

Napakunot noo siya pero naalala niyang may tests pala siya bukas. Damn.

"So, ano? Magpupumilit ka pa?" He asked.

She sighed. "I give up!" Umupo siya sa sofa ro'n.

"Ito tubig oh. Tignan ko kung may gamot ako sa bag." Iniabot sa kanya 'yong tumbler.

"Thanks, oppa."

Ilang minuto ang lumipas, naka-idlip na pala si Hee Rin doon. Hindi namalayan ni Lay na bumukas pala ang pinto. Nakahawak si Lay sa noo niya habang nakaupo siya sa sahig, nakahiga naman si Hee Rin sa sofa.

Slight fever. He mumbled.

"Ahem! Are we interrupting something?" Tanong ni Kai, kasama niya si Min Joo sa ngayon.

"No? We just finished practicing." Lay answered.

"Anong nangyari kay Hee Rin?" Lumapit si Min Joo habang tinitignan ang dalaga.

"She's having a cold. Tapos nagpumilit pang sumayaw kanina, kaya 'yan..." He answered.

"Hyung..." Tawag ni Kai kay Lay at sinenyasang lumapit sa kanya.

"Bakit, Kai?" He asked.

"Aminin mo nga, hyung. May tinatago ba kayo ni Hee Rin? Nakakahalata na 'ko." Kai asked.

"Wala. Bakit mo naman naitanong?" Takang tanong ng binata.

"Kase ang close niyo sa totoo lang. Tapos kahapon, parang ang tagal niyo ng magkakilala."

He sighed and said, "Nagkakaintindihan kase kami sa lahat bagay kaya gano'n... and, I've been like this to you guys. I'm always taking care of you." He added.

He eyed on his hyung suspiciously. "Sigurado ka, hyung?" He asked again, hindi talaga siya makumbinsi ni Lay.

"Oo nga." Sagot niya ulit. "Kase kung meron man, di sana sinabi ko sa inyo." Salita ni Lay.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now