XVII. Tour

39 1 0
                                    

Nasa Academy na silang lahat pero wala pa si Mr. Lee. "Suho-ssi." Tawag kay Suho.

"Annyeonghaseyo." Bigay galang niya.

"May urgent meeting si Mr. Lee ngayon kaya hindi na raw siya makakasama sa inyo pero may ipinapabigay siya para sa 'yo." Sabay abot sa mga papel. "Nandiyan lahat ng details patungo sa bahay nila Ms. Shim. Ingat kayo." Umalis din agad 'yong ahjussi na nagbigay ng mga papel.

"Guys!" Tawag niya sa mga nando'n. "Kami ang mauuna. Nandito na 'yong address nila Hee Rin."

"Nasaan na si Mr. Lee?" Tanong ni Baekhyun.

"May meeting siya kaya tayo nalang ang pupunta. Tara na!" Sigaw niya at nagkanya-kanya na nga rin silang pasok sa mga kotse. Naunang umalis ang kotse ni Kai kung saan kasama niya do'n si Suho, D.O at Baekhyun. Iyong sumusunod namang kotse ay kay Sehun, kasama si Luhan, Seul Joo, Min Young at Sung Mi. Sa pangatlong sasakyan ay kay Kris, kasama sila Tao, Chen, Xiumin at Chanyeol.

In-open naman ni D.O ang kanyang phone at hinanap kung saan banda 'yong village na 'yon. "Naku. Medyo malayo-layo. Halos paanan na 'to ng bundok." Sambit niya at ipinakita kay Suho at kay Kai na kasalukuyang nagda-drive.

"Alam mo ba 'yong daan do'n, Kai?" Tanong ni Suho sa kanya.

"Oo. Napapadaan ako dati sa lugar na 'yon." Sagot naman niya.

"Hooooooooooooooooo!" Sigaw naman ni Chanyeol na nasa pangatlong sasakyan. Napansin naman siya ng mga nagda-drive nang unang dalawang kotse dahil inilabas niya pa talaga ang ulo't kamay niya. Tipong nae-excite ang higante. Biglaan namang inilabas ni Baekhyun ang kalahati ng kanyang katawan at tumingin sa likod habang nakahawak sa taas ng kotse. Nagulat naman ang mga nasa ikalawang kotse dahil sa ginawa niya.

"Hoy, higante! Huwag mong gawin 'yon!" Paalala naman ni Baekhyun habang itinuturo pa siya.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo?!" Sigaw naman ni Chanyeol sa kanya habang itinuturo-turo ito, pero nasa loob na siya ng kotse.

"Baekhyun. Umayos ka diyan kung ayaw mong wala kang kakainin hanggang bukas." Nang sinabi 'yon ni D.O, pumasok siya bigla sa loob at napatingin kay Suho. Nginitian naman siya ni Suho at halata ang inis sa mukha nito.

"Mianhamnida." Bulong ni Baekhyun sabay tumahimik.

"Kung buong EXO pupunta, kasama 'yong lima..." Biglang banggit ni D.O. "Ibig sabihin, malaki 'yong bahay nila Hee Rin."

"Malay mo baka parang sa dorm lang." Sabad ni Baekhyun. Hindi niya talaga matiis ang hindi magsalita.

Nakarating na nga sila sa village at nasa main gate na sila. Tumigil sila dahil mayroon guards ang nagbabantay doon. Lumabas si Suho at iniabot ang isa sa mga papel na binigay ng inutusan kanina ni Mr. Lee. "EXO?" Tanong ng head guard.

"Kami nga po." Sagot ni Suho. "Ako po 'yong leader nila at 'yong tatlong girls sa pangalawang kotse ay yung kasama do'n sa lima. Nandito na po ba sila?"

"Oo. Kararating lang nila kanina." Sagot naman no'ng guard. "Nakita mo 'yong malaking puno doon?" Tanong ng guard kay Suho. Tumango naman siya. "Lumiko kayo patungo sa kaliwa tapos sundan niyo lang 'yong daan. Kapag nakita niyo 'yong gate na may nakalagay na Shim Residence, iyon na 'yong bahay nila."

"Ahh~ sige po. Thank you po." Bumalik na siya sa kotse at dumiretso na nga sila sa loob ng village.

"Ang luwang dito. Saan 'yong bahay nila Hee Rin?" Tanong ni Sung Mi.

"Hindi ko rin alam. Ngayon lang ako nakapunta dito." Sagot naman ni Seul Joo.

"Medyo ang creepy sa kaliwa." Sabi ni Min Young pero mas lalo siyang nangilabot ng dumaan sila mismo do'n.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now