Sidestory #2 pt. 23

17 0 0
                                    

Pt. 23 - Too Much

"Hindi ka ba makakapunta dito sa mga susunod na araw?" Tanong ni William kay Eunhyuk.

"Hindi po eh. Sasabihin niyo na ba kay Hee Rin 'yong totoo?" He asked too.

"Hindi ko pa alam. Depende sa sitwasyon. Pero hindi ka talaga makakapanik dito?"

"Alam niyo naman pong may tatapusin pa kami dito at may inaayos pa. Marami rin kaseng ipinapagawa si Hee Rin kay Fourth about sa isang kaso." Sagot niya.

"Gano'n ba. Darating ba 'yong sinasabi mong--"

"Opo. Darating siya." Singit niya agad.

"Sure ka bang siya na?" Tanong ni William sa kanya.

Napasimangot si Eunhyuk, "When I'm sure about something, I'm really sure of it."

"Sige na. Baka naabala kita. Take care."

Ibinaba na ang linya. Nag-inat si Eunhyuk ng biglang bumukas ang pinto ng kanyang office at bumungad si Fourth na pagod na pagod.

"Nahanap na 'yong pumatay sa kanila pero pinagtakpan kung sinong mastermind. Ang sabi niya siya ang mastermind pero alam naman nating lahat na si Mr. Kim." Panimula niya.

"So, paano? Hindi natin mapapatunayan na siya nga 'yong nagpagawa no'ng murder. Kinuha niyo ba 'yong mga fingerprints sa lugar kung saan sila ikinulong?" Tanong niya.

"Wala pong fingerprints do'n si Mr. Kim."

Napamura nalang siya sa isipan niya, "Ano pang pwedeng isampa na kaso sa kanya? Hanapan niyo ng butas!" Bulyaw na niya. Hindi na niya ma-control ang sarili niya. Ang dami na kase niyang giangawa sa kumpanya and such, dadagdag pa 'yong mga kalokohan ng CEO in charge na 'yon. Hindi rin naman kase siya makatanggi kay Mr. Lee na nasa America ngayon. Nando'n kase sila ng asawa niya dahil na-diagnose ito at nalamang may cancer.

Lalabas na sana si Fourth ng biglang iniluwa ng pinto ang isang babae.

"Ano pong ginagawa niyo dito? Office po 'to ng CEO."

"Ah! Come in please." Singit ni Eunhyuk kaya walang nagawa si Fourth. Siya 'yong gustong kumausap kay Eunhyuk noon pa pero ngayon lang nagkaroon ng pagkakataon para mag-usap sila.

"Fourth, dito ka muna saglit." Sumunod naman siya sa sinabi ni Eunhyuk.

"Annyeonghaseyo." Bati sa kanila no'ng dalaga. "I'm Park Chan Yeon. Ako po 'yong dating secretary ni Mr. Kim."

"WHAT?" Nakakunot noo na sambit ni Eunhyuk. Nagulat din si Fourth dahil sa kanyang sinabi.

"Dati po niya akong secretary. Marami akong alam sa kanya. Pinakiusapan ako ni Hee Rin bago siya umalis na kapag na-sort out ko na mga iniisip ko, pupunta ako sa inyo para sabihin 'yong mga ginagawa ni Mr. Kim. Hindi ko alam kung bakit ko naisip na lumapit sa inyo pero mukhang wala na rin lang kase akong choice. May umaaligid na nga rin sa 'kin no'n pa pero ngayon lang talaga ako naglakas ng loob para ilabas 'to."

"Ano bang alam mo? Alam mo ba na nasa crucial--"

"Lahat. Kaya nandito ako ngayon sa harap niyo para itama na rin 'yon mga nagawa ko dati." She cut him off, she's looking into his eyes. Makikita sa mga mata ng dalaga na seryoso siya.

"Fourth, paki-cancel lahat ng arrangements for today. After nitong pag-uusap namin ni Park-ssi, uuwi na muna ako."

"Yes, sir. I'll do it right away," aniya saka lumabas para ayusin ang sinabi ni Eunhyuk.

Inilabas ng binata ang kanyang phone saka sinimulan nang mag-record, "Miss, thank you for your cooperation." He said.

"Yes, don't sweat it. I promised Hee Rin I'll help her. My life's at stake, anyway." Pilit niyang tawa.

Spellbound [EXO FF]Onde histórias criam vida. Descubra agora