XXIV. Rescue Me

112 3 14
                                    

Nagkanya-kanyang gising ang members dahil sa kanya kanya nilang lakad ngayon. Kumakain palang ang mga maiiwan. Aalis din kase 'yong iba dahil bibili ng regalo para kay Chen.

"Suho oppa~" Tawag ni Hee Rin. Nginitian naman siya ni Suho. "Ikaw na bahala sa mga ibang gagastusin. Thanks!" Ani Hee Rin.

"Okay." Sagot naman nito at tumaas para magpalit.

"Tayong apat ang magluluto mamaya. Walang aalis." Sabi naman ni D.O kanila Chan Ki, Hee Rin at Lay. Ang team kusina for the day.

"Lay hyung! Pahiram ng kotse mo baka late kase akong uuwi ngayon." Sigaw ni Chen, kagagaling niya sa taas at halata sa suot niyang may pupuntahan siya.

"Sige." Sabay bato ng susi sa kanya.

"Saan ka pupunta, oppa?" Tanong naman ni Hee Rin.

"Briefing ng Ballad members ngayon." He answered.

"Text mo nalang kami kapag tapos na practices niyo." Singit agad ni Lay.

"Ne, hyung. Sige, punta na 'ko." Paalam niya. Halata sa pagmumukha niya ang tuwa.

"Di rin siya masaya eh no?" Chan Ki beamed.

Natapos silang kumain at iniligpit ang mga kalat sa kung saan. Inilalabas nang kusina team ang laman ng boxes na ipinadala kagabi ng biglang sumulpot si Luhan do'n. "Hee Rin-ah. May gumamit ba ng kotse mo? Pwede hiramin?"

Napatigil naman sila ng makita silang magkasama ni Min Young. "Wala, oppa." Sagot ni Hee Rin. "Saan kayo pupunta?"

"Urgent matters involving our families." Sagot ni Luhan. Nagkatinginan naman si Chan Ki at Hee Rin sa sinabi niya. Naalala tuloy nila 'yong sinabi ni Min Young kahapon.

"Saka ko nalang ikukwento. Mahaba-habang kwento eh," dagdag ni Min Young kaya hindi na sila nagtanong pa.

"Sige. Ingat kayo, oppa." Sambit nalang ni Hee Rin at iniabot ang susi ng kotse niya mula sa key stand.

Nang makalabas naman ang MinHan, sumunod din ang SeulHun. "Hep, hep! Saan kayo pupunta?!" Patigil ni Hee Rin ng mapansin ang dalawa.

"Lalabas saglit." Sagot ni Sehun at ngumiti.

"Oh! Aalis din kayo?" Singit ni Suho na kabababa lang.

"Eh ikaw, hyung? Saan ka pupunta?" D.O asked.

"Uuwi saglit. Pinapauwi ako ni hyung." Sagot ni Suho. "Lay. Kayo muna bahala dito, ha? Aalis na ako." Bago siya umalis sumulyap muna siya kay Hee Rin at bahagyang ngumiti. Nakaw tingin din 'to.

"Aalis na din kami. Annyeong!" Paalam ni Seul Joo.

"Ingat kayooo~" Paalala ni Hee Rin.

"Tayong apat lang talaga ang maiiwan?" Tanong ni Chan Ki.

"Oo?" Sagot ni D.O sa patanong na tono.

-

Nang araw na 'yon, maagang umalis si Chanyeol mula sa bahay nila Hee Rin at pumunta sa palengke para bumili ng gulay at prutas. Ngayon, papunta siya sa isang bahay, nag-doorbell siya at pinagbuksan. "Oh! Chanyeol! Ngayon ka lang ulit pumunta dito." Sambit ng isang babae.

"Oo nga eh. Nandiyan din ba si hyung, noona?" Tanong niya.

"Oo. Halika na. Ano naman 'yang dala mo?" Tanong naman sa kanya habang papasok sila sa bahay.

"Ahhh~ oo pala. Para sa inyo." Sabay derp smile.

"Himala, Park Chanyeol." Seryosong sabi ng babae. "Anong nakain mo? Panis ba nakain mo't ganyan ka?"

Spellbound [EXO FF]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora