LV. The Real Battle Begins

132 1 8
                                    

"Kinakabahan ako." Sambit ni Min Young.

"Ako nga rin eh." Sambit din ni Chan Ki saka linalaro ang kanyang mga kamay. Hindi sila mapakali. Habang silang dalawa ay nakaupo do'n, si Hee Rin naman at Min Joo ay nagpa-practice na naman.

"Hindi ba kayo napapagod?" Seul Joo asked, mukhang naiirita na siya dahil sa dalawa.

Hindi siya pinansin, sumasayaw lang sila. Pero napatigil sila ng biglang bumukas ang pinto.

"Okay lang ba kayo?" Tanong agad ni Suho.

EXO-K lang nandito. Min Young thought.

"Oppa."

"Medyo kinakabahan." Ani Chan Ki.

"Ganyan talaga kapag una." Singit ni D.O.

"Kyungsoo oppa!" Tuwang sambit ni Chan Ki.

"Gwaenchanha?" He asked saka linapitan ang dalaga.

May pumasok pang isang pigura doon.

"Min Joo-ah." Tawag ni Kai. Lumapit si Kai sa kanya saka siya yinakap na ikinagulat nilang lahat.

"K-Kai!" Nauutal na tawag ni Min Joo sa kanya.

"Kalma lang, Joo." Sambit ni Kai saka hinawakan ang kamay niya.

"AHEM!" Baekhyun cleared his throat. "Meron ba kaming hindi alam?" He asked.

Nagkatinginan naman silang dalawa. Tumingin si Min Joo sa kanila saka ngumiti.

"Anong ibig sabihin ng ngiting 'yan?" Baekhyun asked.

"A-Ah, well?" She pouted. "Ikaw na nga magsabi, Jongin!" Sambit na ni Min Joo.

"Sheesh. She's my girlfriend." Sambit na niya. "Satisfied?" Sabay tingin sa mga members na natunganga dahil sa sinabi niya.

"Sinong may girlfriend?" Tanong ni Tao na kapapasok niya sa green room kasama ang ibang members. Mukhang nahalata niya kung sino kaya, "Chukhaeyo!" Sambit nalang niya.

Biglang pumaharap si Suho saka, "Sa totoo lang, meron pa kayong hindi alam..." Napatingin silang lahat sa kanya dahil do'n.

"Ano 'yon, hyung?" Tanong ng members.

"D.O-ah, ikaw kayang magsabi." Salita ni Suho.

Napapikit naman si D.O dahil sa sinabi ni Suho, "Sorry." Sambit niya agad kaya nagtaka ang members.

"Waeyo?"

"Sorry kung hindi ko nasabi agad na may ka-relasyon ako. Simula kase no'ng umalis si Chan Ki-ah sa university, nakausap ako ng appa niya at mga oppa niya. To be honest, gusto ko na siyang ligawan no'n pero mukhang hindi na kailangan." He said saka ngumiti. "Well, kami na... months ago."

Hindi naman nag-react 'yong members, "Obvious naman eh pero buti umamin ka na." Ani Sehun.

Bigla naman nag-facepalm si Chan Ki, URGH. I'm embarassed!

Habang hinihintay nila ang performance, ginagawa naman ng EXO ang lahat ng kanilang makakaya para i-cheer sila.

"Sungam! You're up next!" Sigaw ng isang staff.

"OMO!" Sabay sabay nilang sambit ng marinig 'yon.

"Gwaenchanha." Sambit ni D.O.

"Sarangiya." Dagdag naman ni Chen kaya tumawa sila.

"FIGHTING!" Sambit ng buong EXO. Bago lumabas 'yong anim, yinakap muna nila ang isa't isa wishing luck on Sungam. Habang ang mga mag-jowa, todo yakap sila sa mga boyfriend nila.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now