XXXVI. Friendly Date

89 3 0
                                    

Maganda ang gising ni Kai ngayong araw na 'to kahit na alas-syete na ng umaga ito nakabangon.

"Ahh~ ano kayang mangyayari mamaya?" He asked himself while smiling. Pumunta siya sa cabinet niya, nando'n kase siya sa dorm ngayon ng EXO. Bihira kase siya umuwi do'n sa mismong bahay nila.

"Jongin, ang aga mo yatang nagising ah. Wala naman tayong schedule ngayon." Sambit ni D.O nang mapansin si Jongin sa may mga cabinet nila, namimili ng kung anong isusuot niya. Naglilinis kase 'tong si D.O, umagang umaga. Sabagay, anong aasahan mong gagawin ng umma ng EXO.

"Hyung... lalabas kase ako ngayon. May pupuntahan ako." Sambit niyang nakangiti. Nakagulat naman si D.O dahil sa ngiti niya.

Tinabihan niya ito at siniko ang kanyang tagiliran, "Meron ba akong hindi alam, Jongin? May date ka ngayon, no? Kasama mo si Min Joo?" Sunod-sunod na tanong niya.

Napatingin lang si Kai sa kanya sabay baling sa cabinet niya. "Friendly date," saka ngumiti siya habang inilalabas ang mga gagamitin niya.

"Suho hyuuuuung~" Biglang sigaw ni D.O kaya nagulat 'tong si Kai.

"Bakit?" Silip naman ni Suho sa kwartong 'yon habang nando'n sa may pinto bago siya tuluyang pumasok roon. "Anong meron?"

"Aalis si Kai ngayon. May pupuntahan siya." Salita ni D.O, bahagya siyang ngumiti saka hinarap si Jongin. Para bang nang-aasar ang expression ng mukha ni D.O.

"Sige. Basta wag kang magpapagabi. Disguise. Dala ka rin ng jacket mo. Maginaw na ngayon sa labas. Alam mo namang malapit ng mag-October. Mask! Magdala ka ng cash mo. Mag-withdraw ka na mamaya bago ka pupunta sa pupuntahan mo. Wag kang masyadong matulin magpatakbo. Kapag nalaman kong nagpe-paper drive ka, itatago ko talaga 'yang susi ng sasakyan mo." Salita ni Suho. More likely, sermon.

"Alam ko 'yan, hyung." Sagot naman ni Kai na sinundan si Kyungsoo na papunta sa dining. "Atsaka kase ano... umm... basta 'yon." Sabay ngumiti siya na parang loko-loko.

Napakunot noo si Suho, "Kyungsoo. Meron bang hindi sinasabi 'tong si Jongin sa 'kin?" Tanong ni Suho kay D.O na patuloy na nagluluto roon.

"Pagbigyan mo na, hyung. Masaya dapat siya ngayon." Sagot naman ni D.O saka ipinaharap ang ulam nila. Hindi pa naman gising 'yong ibang members kaya silang tatlo lang ang nando'n.

"Hindi mo naman birthday. Don't tell me my girlfriend ka na?!" Napa-poker face si Suho ng masabi niya 'yon.

"ANIYO!" Sigaw ni Kai. Defensive ang peg. "Eh kase! Kasama ko si ano! Ahhhh~ Si Mi--oo, siya. Basta siya!" Sabay facepalm.

"Annyeonghaseyo yeorobun." Salita naman ni Chanyeol sa malalim niyang boses habang papalapit sa kanila. Humihikab pa 'to. Halatang kagigising pa dahil mapupungay pa ang mga mata niya.

"Oh basta 'yon na 'yon, hyung. Wag niyo munang sabihin sa kanila ah?" Bulong ni Kai.

"Okay." Simpleng sagot naman ni Suho.

Nauna nang kumain 'yong mga nando'n. Habang hinihintay nilang magising 'yong iba, binuksan ni Suho 'yong TV. Halos magkalapit lang kase ang sala nila at dining kaya matatanaw nila ito habang kumakain.

  

SM Entertainment, rumored to have a new artist.

  

Sambit agad ng reporter na nag-e-air ng balita. Napatigil silang apat, tinutukan nila ang TV.

  

SM Entertainment is planning to have a new artist to debut within this year. We still don't know the exact details since it's still a rumor. But according to some agents, this young actress seems to be a returnee and lived in America for years.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now