IV. First Day

196 5 0
                                    

"Hee Rin! Ang tagal mo!" Sigaw ng kuya niya na nasa may tuktok ng hagdan, hinihintay siyang lumabas sa hallway kung nasaan ang kwarto niya. Dalawang araw na ang lumipas at ngayo'y papasok na siya sa Academy.

"Ano ba 'yan! Saglit lang!" Sagot niyang pasigaw habang isinasara ang pinto ng kanyang kwarto.

"Ang bagal mo, alam mo 'yon?!" Sigaw ni Eunhyuk sa paanan ng hagdan.

"Anong asahan mo, babae eh. Maraming ritual." Sagot naman ni Hee Rin nang makaharap na niya si Eunhyuk.

"Hay naku, ewan ko ba't ganyan kayong mga babae."

"Eh kase kayo, wisik wisik 'pag naliligo." Banat na naman ni Hee Rin kaya sinamaan siya ng tingin ni Eunhyuk.

Medyo may kalayuan ang village na kinatitirikan ng bahay nila mula sa Gangnam kaya medyo napahaba ang biyahe. Buti nalang hindi masyadong traffic nang umagang 'yon.

"Samahan pa kita do'n?" Tanong ni Eunhyuk, nasa harap na sila ng Academy.

"Nope. Kaya ko naman. Hindi na 'ko bata." Sagot niya saka inaalis ang kanyang seatbelt.

"Okay. Goodluck, princess."

"Stop that princess thingy, please?"

Eunhyuk just smiled. "Oh! Wait!" Liningon siya ni Hee Rin at nakita ang dalawang card na hawak niya. "I almost forgot. Use this when you needed to buy something." Iniabot sa kanya ang dalawang credit card, isang black card at isang pang-international na card. Tinignan niya ito at may nakalagay na Beatrix Strathmore sa likod no'ng international card, habang Shim Hee Rin naman ang nakalagay sa isa.

"Thanks!" She waved her hand and entered the academy. She went in and walked straight to the headmaster's office. Habang naglalakad siya sa corridors ng academy, tinitignan siya ng mga trainees do'n.

"Ang ganda niya." Bulong ng isa.

"Oo nga. Halata sa kanya na napaka-natural niya." Agree naman ng isa.

Pagkapasok niya, "Annyeonghaseyo." Bati niya sa Secretary ni Mr. Lee pagkarating niya sa office. "I'm here to get my schedule from the headmaster."

"You're Shim Hee Rin, right?" Sabay abot sa papel na nakalagay sa may table. "Mr. Lee is not here for now. If there is something that concerns you please come to me and I'll help you." She added.

"Gamsahabnida." Sabay tingin sa schedule. "Kim Jongdae... Whoa. Si Chen agad, huh?" She muttered nang makita ang kanyang sched.

She now entered the room assigned 10 minutes before the time. Ibinaba niya ang bag niya sa isang table sa harap. Dahil mag-isa lang siya do'n, naisipan niyang kumanta.

"Chen. Text mo nalang ako mamaya kung magpa-practice tayo." Paalala ni Baekhyun.

"Sige, sige. Punta na 'ko." Pagpapaalam niya at pumunta na siya sa room assignment niya kay Hee Rin, sa dulo ito sa 3rd floor. Papalapit na siya sa may room ng makarinig siya ng kumankanta.

Habang papalapit si Chen sa room mas naging klaro ang boses na kumakanta. Nang pumasok siya, napatigil si Hee Rin. Yumuko siya bilang pagbati at gano'n din si Chen. "Annyeonghaseyo." Nginitian niya ang nakatatanda.

"Hey. Nagkita na naman tayo." He smiled at her. Sabi na eh, siya 'yong Hee Rin. Chen thought.

"Ne," sagot niya.

Dalawang oras ang pagtuturo ni Chen sa kanya pero natapos 'yon agad ng hindi nila namamalayan. "Ah, sunbaenim." Tawag niya kay Chen.

"Saan 'yong piano room?" Tanong niya.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now