XXX. Infirmary

99 2 10
                                    

Ang aga ko yatang nagising. Sambit ni Suho sa sarili niya. Nando'n siya sa sala at binuksan agad ang TV. Habang nakabukas ito, inayos naman niya ang mga kurtina na nakausli lang doon. Itali niya ang mga ito para pumasok ang liwanag na nanggagaling sa labas.

Humarap siya sa napakalaking portrait ng pamilya nila Hee Rin. Tinitignan lamang ang mukha ni Hee Rin doon sa litrato. Bumalik siya sa realidad ng marinig ang news sa TV.


EXO's Luhan was spotted in a mall together with a girl. SMent haven't released an official statement to the media for this issue.


Umupo siya sa sofa at pumangalumbaba ng makita ang news na 'yon. "Grabe. Ano na naman kayang sasabihin ni manager hyung sa 'min pagbalik niya." Sambit niya.

Nagulat siya ng biglang tumunog 'yong phone niya. Kinuha niya 'yon mula sa kanyang bulsa at halos hindi makagalaw ng makita ang caller ID. "Y-Yeoboseyo?" Nauutal niyang salita ng sinagot ang tawag.

"Junmyeon. Meron ba akong hindi alam?" Tanong ng isang boses ng lalaki sa kabilang linya.

"Manager hyung... hindi niyo pa po ba alam? I mean, nag-usap ba kayo ni Mr. Lee?" Tanong din niya.

"Oo. Uuwi na 'ko bukas. Bumalik na kayo sa dorm. Bukas pagbalik ko dapat nando'n kayo."

"Arasseo, hyung." Sagot ni Suho. Wala nang ibang sinabi ang kausap niya at ibinaba na ang linya.

Akala ko isang buwan kami dito. Anong nangyari? Isang linggo nalang?! He mumbled at inilapag ang kanyang phone sa salamin na center table habang sinasapo ang kanyang noo.

"Ang aga mo yatang nagising, hyung." Banggit ng isang boses.

"Kyungsoo-ah." Tawag niya rito.

CLICK!

"Yah! Mga lasinggero't lasinggera! Gumising na kayo! GUMISING NA KAYOOOO~" Sigaw ni D.O na para bang kumakanta.

"Kapag wala kayo dito sa loob ng 30 minutes, ikukulong ko kayo sa mga kwartong 'yan. Hindi ko kayo ipagluluto! Bahala kayo!" Bulyaw ni D.O sa communication device na nakakabit sa kusina. Naka-air sa lahat ng kwarto 'yong sinabi niya.

Nagising ang iba dahil sa pagbubunganga ni D.O. Iyong iba talagang nainis dahil sa ginawa niya. "Ahhhh~ ano ba 'yan!" Sigaw ni Chanyeol na nakaupo na sa kama niya. Kinuha niya ang kanyang cap sa sidetable at isinuot ito.

Nakita niyang tulog pa si Sung Mi. Umupo siya sa tabi ni Sung Mi na nakahiga pa rin.

"Sung Mi. Yah, jagiya! Bangon na." Yugyog nito sa kanya.

"Mm?" Lingon sa kanya ni Sung Mi na nakapikit pa ang mga mata.

"Bangon ka na. Magagalit si D.O kapag di pa tayo bumaba within 30 minutes."

Umupo naman si Sung Mi. "Mauna ka nang maligo." Sabi ni Chanyeol. "Ahhh~ nasa kwarto ka pala namin ni Kai. Balik ka na lang muna sa room niyo para maligo."

Dahan dahan siyang umalis sa higaan at nag-inat ng makatayo. Pinanood lang naman siya ni Chanyeol na paalis ng kwarto.

"Psh! Hangover!" Sambit niya habang naglalakad papunta sa kwarto nila ni Xiumin. Hahawakan na sana niya 'yong doorknob para buksan ito ng bumukas at tumambad sa kanya si Kris.

"Oppa," tawag ni Sung Mi. Nilagpasan lang siya. Mukhang hindi maganda ang gising ng ating galaxy.

Pumasok na nga si Sung Mi at napansing nando'n si Xiumin sa bathroom dahil sa tunog ng tubig na lumalabas mula sa shower.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now