LI. New Found Love

80 1 0
                                    

Alas-kwatro palang ay nagising na si Lay. Napatingin siya sa phone niya, Pinaka-espesyal na araw ng buhay ko. Saka pumikit ng mariin. Liningon din niya si Suho na natutulog sa kabilang kama. Tulog pa siya. Dahan-dahan siyang bumangon.

Lumabas siya sa kwarto at napansing siya palang ang gising. Dumiretso siya sa comfort room saka naghilamos.

"Ano bang pwede kong gawin?" He asked himself habang tinitignan ang repleksyon niya sa salamin. Basa ang mukha at medyo mapupungay pa ang mata niya. Inihilamos niya ulit 'yong mga palad niya sa mukha niya para bawasan ang pagkabasa nito.

Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang ilaw doon. Binuksan niya ang ref saka inilabas ang mga rekados do'n. Nang mailabas niya kahat ng kailangan, napatingin siya sa mga 'yon at inisip kung anong iluluto niya.

Isinuot niya ang apron, humugot din siya ng kutsilyo saka inuna ang mga karne. "Experiment muna."

Nagluluto siya do'n ng maalala niyang kailangan niyang kunin ang kanyang phone sa kwarto.

Pinahinaan niya ang kanyang niluluto saka tumungo saglit sa kwarto. Dahan dahan niyang pinihit ang seradura saka pumasok, Tulog pa rin si Suho. Bulong niya.

Kinuha niya ang kanyang phone at gamit na pampalit, twalya na rin. Lalabas siya ngayon kaya isinilid niya lahat ng kailangan niya sa isang backpack na may tatak na MCM.

Nag-ninja moves siya at matagumpay na nakalabas. Inilapag niya ang kanyang mga gamit sa sofa saka binalikan ang niluluto niya. May isang batch pa bago maluto 'yon lahat.

Halos 5:30 na nang umaga ng matapos siya roon. Nagligpit siya saka kumuha ng sticky note.

Good morning, EXO. May niluto akong pagkain for breakfast. Sana magustuhan niyo. -- Yixing

Sulat niya do'n sa note saka idinikit sa gitnang bahagi ng ref para mabasa nila. Naligo siya saka nag-ayos. Malapit nang alas-6, kailangan na niya munang umalis do'n.

And it's time para sabihin ko na sa kanya 'yon. He thought.

-

Naalimpungatan si Kai dahil sa pagbubunganga ni D.O. He twitched and, "Hyung naman eh!" Reklamo niya bigla ng sumigaw ulit si D.O.

"Heol!" Sigaw ni D.O, "Ang sarap nitong linuto ni Lay hyung!" Sigaw niya mula sa kusina.

Napabangon nalang si Kai dahil do'n. Agad niyang tinignan ang phone niya at nagulantang sa nakita niya. Ten messages and to think na galing sa iisang tao...

  

Min Joo

Kai, bangon na!

  

Min Joo

Kai, available ka ba ngayon?

  

Min Joo

Gising ka na ba? Reply ka naman oh.

  

Min Joo

Jongin! Hoy!

  

Min Joo

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now