LIX. Where On Earth Are You?

103 2 1
                                    

"Akala ko ba kasama mo sila Suho hyung?" Tanong ni Chan Ki kay D.O.

"Papanik na 'ko diyan sa Norway. Ayaw mo ba?"

"Syempre, gusto! Eh okay lang ba na iiwan mo sila?"

"Ano ba, matatanda na mga 'yon. Kaya na nila mga sarili niya." Aniya.

Natahimik saglit si Chan Ki. "Bakit hindi ka nalang dumiretso sa Maldives? Aalis din naman ako dito after 5 days." Tanong na naman niya.

"Eh wala akong kasama. Kasama kaya nila mga girlfriend nila." Naiinis na sambit ni D.O. "Nagka-lovelife lang, nagkalimutan na." Aniya.

"Parang wala kang lovelife ah!" Bulyaw ni Chan Ki.

"Meron na kaya nga papunta na 'ko diyan eh!" Sambit niya.

"Eh sila Chen oppa?" Tanong niya.

"Pumunta siya ng U.S. nando'n kase 'yong kapatid ni Xiumin hyung. Eh may something din pala 'yong Jongdae na 'yon sa kapatid ni hyung." Sambit niya.

"Pati si Baekhyun oppa?" She asked again.

"Yep. Sumama siya. Bumalik din muna kase ng America si Chan Tae-ah." Sagot niya. "Mga tao talaga ngayon."

-

"Kamusta na kayo?" Tanong ng umma ni Luhan ng makarating ito sa kanilang bahay sa Beijing.

"Okay naman po." Magalang na tugon ni Min Young.

"Kailangan na ba nating madaliin 'yong engagement ni-- I mean, 'yong kasalan?" Natawang tanong ni Xin sa kanila.

Napangiti naman si Min Young, "Wag po muna, Xin oppa. Kukumbinsi ko pa si appa for the last time bago maganap ang kasalan."

"Oo nga naman." Luhan seconded. "Minamadali kase eh. Bakit gusto niyo nang magkaapo?" Tanong niyang nakakunot noo.

Tumawa naman sila sa sinabi niya while Min Young felt embarrassed.

Binatukan siya ni Xin saka, "Loko to ah! Hintayin mo muna kase akong ikasal bago 'yan anak anak na 'yan. Tignan mo tuloy, nahiya na si Min Young."

Min Young ears perked up and laughed, "Okay lang po. Hindi naman po masamang pag-isipan na ang mga bagay-bagay para sa darating na panahon."

"Gusto ko ng limang apo, ha?" Singit bigla ni Mrs. Lu kayaa tumawa silang lahat.

Nakaupo si Min Young sa garden ng biglang nag-vibrate ang kanyang phone. Napansin niya ang caller. Nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya ba 'yon o hindi. Huminga siya ng malalim saka sinagot 'yong tawag. Hindi muna siya nagsalita ng ilang segundo saka, "Y-Yeoboseyo?" Nauutal niyang tanong.

Walang nagsasalita sa kabilang linya. Ibababa na sana niya, "Min Young-ah." Tawag sa kanya. She stiffened when she heard her father's voice.

"A-Appa. Bakit k-kayo napatawag?" She asked.

"Min Young-ah. Pwede bang umuwi ka muna dito?" Tanong sa kanya pero hindi na niya muna 'to sinagot. "May pag-uusapan lang tayo." Aniya.

"Pwede saka nalang po. Hindi po maganda ang sitwasyon ngayon diyan kaya umalis kaming lahat." Sagot niya.

"Gano'n ba?" Malungkot na tugon ni Lee In Guk.

"Sige, ibababa ko na 'to." Sambit ni Min Young saka nga ibinaba 'yon.

"Buti naman at nakipag-cooperate ka sa 'kin." Sambit ni Kim Youngmin habang nasa harap ni Lee In Guk. Wala namang magawa si Lee In Guk para mapigilan siya. He threatened him to the point na madadamay ang buong pamilya niya.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now