LXXII. Let It End

22 0 0
                                    


"Prince, nandito na po sa kulungan 'yong tauhan ni Mr. Kim." Sambit ni Francis.

"I'll be there in few minutes." Sambit niya. Ibinaba niya ang kanyang phone saka biglang umubo. Mukhang ngayon pa 'ko magkakasakit. Bulong niya. Umubo na naman siya kaya napahawak siya sa sasakyan. Bigla siyang nanghina kaya hindi na siya makapaglakad pa ng biglang may sasakyang tumigil sa kanilang garahe. Lumabas ang isang babae mula do'n saka dinaluhan siya.

"Henry, anong nangyayari sa 'yo? Ipunta na ba kita sa ospital?" Tanong agad.

"Bree." Sambit niya. "Okay lang ako, kailangan kong pumunta sa kulungan."

"Ah? Ah. Nando'n na ba siya?" Tanong ni Bree.

"Oo," mahina niyang sagot saka bumuntong hininga.

"After nating pumunta do'n, ipupunta na kita sa ospital. Baka mamaya patayin ako ni Queen kapag nalaman niyang napapabayaan ko kayo dito." Sambit niya. "You really look tired."

"Kahit si Fourth nang--"

"Ako na. Busy pa si Fourth, di ba? I believe this would be the last kaya after no'ng kaso, makakabalik na siya sa paglilingkod sa 'yo kaya makakabalik na rin ako ng Pilipinas." Sambit niya.

"Kahit kailan talaga masyado kang fast-forward." Eunhyuk laughed off.

Habang papunta sila ro'n, naalala na naman ni Eunhyuk 'yong nangyari kanila Hee Rin. Tahimik lang siya do'n. His memory of that incident is still vivid in his mind.

  

"Shit! Go faster!" Sambit niya habang pinapaharurot niya ang kanyang kotse. Tipong drive to hell na ang ginagawa niya para lang maabutan ang suspek.

"Damn it! Go faster! Sambit niya saka inilagay 'to sa pang-limang gear.

Napansin niyang tumigil ang kotse at lumabas ang suspek. Agad niyang binaril si Hee Rin pero humarang si Lay. May dalawang putok pa ang sumunod bago niya naabutan. Nang mapansin ng suspek na tumigil ang kotse do'n, agad siyang sumakay sa kanyang kotse pero nahila ni Eunhyuk ang kanyang damit. Hinarap niya ang suspek at agad na sinikmura saka iniuntog ang kanyang ulo sa kotse para mahilo. Nahilo nga ito at pinahiga niya sa kalsada habang hawak hawak niya 'to.

Agad na umaksyon ang mga kasama sa operasyon. Agad namang dinaluhan ni Eunhyuk 'yong dalawa do'n. Agad niyang binangon si Lay at dahan dahang isinandal sa kanyang mga hita.

"Yixing! Hang in there! Yixing!" Tinampal-tampal din niya ang pisngi ng binata. Tinignan niya ang pulso nito at pahina na ang pagtibok nito.

"Henry! Sila nang bahala diyan!" Sambit ni Fourth.

Kinalong niya si Hee Rin, "Bea." Yugyog niya rito.

"Sir, kami na pong bahala. Sumama nalang po kayo sa ambulansya."

  

Napalingon siya sa labas...

  

Sinalo niya si Hermione na mukhang nag-aagaw buhay na.

"Hermione, bakit mo ginawa 'yon?!" He asked. He's fuckin' terrified and he's trembling.

"Alam kong may balak silang... P-Patayin ka kaya hindi ako pin-pinalabas ng mansyon namin. Iniisip nila na baka sabihin ko sa 'yo." She stuttered.

"Hermione, please! Wag ka nang-"

Napatigil siya ng dahan dahang hinawakan ni Hermione ang mukha niya gamit ang kanyang duguang mga kamay, "Henry, ikaw nang bahala..." Dumura na naman siya ng dugo kaya mas lalo pang nataranta si Henry. Gusto niyang sumigaw para humingi ng tulong kaso walang lumalabas na boses niya na tila ba may nakabara sa kanyang lalamunan. Tanging ang pangalan na lamang ng dalaga ang kanyang nasasabi.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now