Sidestory #2 pt. 8

22 0 0
                                    

Pt. 8 - Hanggang Kailan Ako Maghihintay?

Nagsimula na nga ang birthday ni Chen at nagkayayaan na uminom. Nando'n din ang SHINee. Nang malasing na ang ibang miyembro ng SHINee, nagyaya na sila Onew na umalis.

"Min Joo-ah. Aalis na kami." Sabi ni Taemin, magkatabi lang sila.

"Oppa~ mamaya muna, pwede?" Sambit ni Min Joo. "Dito ka nalang matulog."

Napangiti si Taemin. "Min Joo-ah, hindi pwede. Sige na, pupunta na kami." Tumayo na si Taemin. Maglalakad na siya palayo ng hinawakan ni Min Joo ang kamay niya. Nagulat naman ang binata sa ginawa niya.

"Taemin oppa... Salamat sa oras." Nginitian siya ni Min Joo. Natuwa naman itong si Taemin dahil sa nakita niyang napakagandang ngiti ng dalaga.

"Ne. Thank you din." Matapos nilang magpaalam sa isa't isa, tinitignan na lamang ni Min Joo ang likod ni Taemin habang naglalakad palayo.

Bumalik na siya sa upuan niya. "Close pala kayo ni Taemin?" Biglang salita ni Kai ng makaupo siya.

"Oo. Siya 'yong taong nagturo sa 'kin na hindi lahat ng tao... walang kwenta." Sambit niya saka lumagok.

Napanganga naman si Kai, Si Taemin nga 'yong sinasabi niya noon. Sabay lihis ng tingin at napahawak sa mukha niya.

"Tayong 18 na naman. Ano pwedeng gawin?" Tanong ni Baekhyun, saktong nakabalik na rin si D.O at Suho sa mga upuan nila dahil nakaalis na ang SHINee.

"Alam niyo 'yong spin the bottle?" Chanyeol asked. Napatingin 'yong iba sa kanya with confusing looks.

"Ganito 'yon." Panimula niya. "Papaikutin 'yong bottle, kung sinong itinuturo ng tuktok nito kapag tumigil, siya ang tatanungin."

"Pero lahat ng itatanong, personal?" Dagdag ni Chen.

"Yeahhh~" Chanyeol answered. "Ano? Game?" Pumayag naman sila at nagsilipat sila ng upuan. Panibagong seating arrangement. Nakailang bote na rin sila kaya 'yong hindi masyado sa soju, nakakaramdam na ng konting pagkahilo.

"Para mas masaya... 'yong nasa right ng katapat ng naituro, siya 'yong magtatanong."

"Game! Game!" Sigaw nila.

Pinaikot nila ang bote. Tahimik nilang hinihintay ang pagtigil nito. "Whoa~ Whoa~" Sambit nila ng napatigil ito kay Luhan.

"Luhaen~" Ani Baekhyun.

"Sung Mi-ah, ikaw magtatanong." Ani Chanyeol. Iba naman iyong ngiting ipinakita ni Sung Mi kaya medyo kinilabutan sila.

"Oppa." Nakangiting tawag niya kay Luhan. "Kayo na ni Min Young unni, di ba?" Naibuga naman ni Min Young ang soju na kaiinom lang niya. Tumawa naman si Luhan at hinablot ang kaliwang kamay ni Min Young na katabi lang niya.

"Tadaaaaa~" Masayang tugon nito at ipinakita rin niya ang singsing niya.

"Jjinja?!" Halos sabay nilang react sa pinakita ni Luhan.

"May pa-urge-urgent matters involving our families ka pang nalalaman, hyung." D.O beamed.

"Well, ang bilis ng mga pangyayari. Balak ko naman talaga sabihin sa inyo eh." Ani Luhan.

"Grabe! Tapos magkakilala pa pamilya niyo, di ba?" Tanong ni Kris.

"Daebak!" Sambit naman ni Tao.

"Couple rings talaga." Ani D.O.

"Buti pa si Luhan hyung. Kkaepsong~" Salita naman ni Baekhyun. Sinabayan pa nila ng tawa.

"Grabe! Next na nga! Baka maunahan pa 'ko ni Luhan na ikasal!" Sigaw ni Xiumin at kinuha ang bote para paikutin na ito.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now