LXIV. An Eye For An Eye, A Tooth For A Tooth

74 2 0
                                    

"Kasalukuyang inaaresto ngayon si Kim Youngmin dahil sa mga kasong nakapataw sa kanya." Ibinalita ng isang reporter ngayon. Nagulantang ang buong South Korea dahil sa ibinalitang 'yon.

"Sigurado ka na bang tapos na 'to lahat?" Tanong ni Eunhyuk kay Fourth.

"I'm certain." Sagot naman ni Fourth na nakatayo lang do'n na nanonood din ng news.

"Hindi na ba talaga siya makakalusot do'n?" Tanong ulit niya.

"Ibinagay na po lahat ng ebidensyang nakalap." Sagot ni Fourth. "Imposibleng maliligtas pa siya diyan." Dagdag niya pa.

Nagpakawala ng buntong hininga si Eunhyuk, "At last." Sambit niya saka sumandal sa kanyang swivel chair.

"Oo nga po pala, nakabalik na si Bea dito."

"Kailan pa?"

"No'ng isang araw pa. Nalaman na niya kaseng umusad na naman 'yong kaso kaya pumanik na siya agad atsaka kasama niya 'yong magkapatid kaya okay lang." Tugon ni Fourth.

Napatango-tango naman si Eunhyuk, "Si BoA?" Bigla niyang tanong. Binabantayan niya rin si BoA dahil nga sa mga banta sa buhay niya.

Napataas naman ng kilay itong si Fourth, "Nasa Japan siya ngayon. She's safe and sound." Sagot niya. "Bakit, nami-miss mo siya?" Tanong ni Fourth na nang-aasar.

Masama namang tumingin si Eunhyuk sa kanya.

"Sheesh. Wag mo nang itago- I mean, wag niyo nang itago. Malalaman din 'yan atsaka sa totoo lang, bagay naman kayo eh. Pareho kayong successful, may problema ba do'n?" Sabay ngumiti ng nakakaloko.

"You're dismissed." Sambit ni Eunhyuk saka iniikot ang upuan niyang swivel chair at hinarap ang curtain wall na tumatanaw sa Seoul.

Umalis na nga si Fourth do'n habang tumatawa. Pakisikre-sikreto pa kase, gano'n din lang naman pupuntahan no'n. Obvious na nga eh.

-

"Mga walang hiya kayo! Putangina niyo! Putangina niyong lahat! CEO ako ng kumpanyang 'yon tapos ganito gagawin niyo sa 'kin?! Ganito trato niyo sa 'kin?! Mga hampaslupa!" Sigaw ni Youngmin habang nasa detention cell.

"Tumahimik ka nga diyan! Nakakarindi ka!" Bulyaw ng police sa kanya na nagbabantay do'n. "Hindi ka maipapasok sa seldang 'yan kung wala kang kasalanan!" Aniya.

Napalitan ang nangangalatiing mukha no'ng police officer ng makita si Hee Rin na pumasok doon kasama si Angelo at Francis. Sumama na muna kase ang Sheffield brothers para kay Hee Rin, as usual utos ng Reyna.

Tumapat si Hee Rin sa seldang kinalalagyan ni Youngmin. Masama namang nakatingin sa kanya ang matanda.

"I will never be intimidated with that look of yours." Panimula niya habang nangingiting nakatingin kay Youngmin. "Tama nga 'yong inaakala mo, ako 'yong nagpakulong sa 'yo. Alam mo naman sa sarili mong marami kang kasalanan, di ba? All I want is justice for the death of Min Hyuk and Ji Hyun and pay for what you did to Chan Yeon. I'll avenge Mr. Lee In Guk, too. You used him to track us para malaman na nasa Maldives kami no'n. Oh, goodness. You sure are persistent. I also wanted to help the idols who suffered a lot in the palm of your hands. Mga grupong sinira mo, mga buhay ng taong kinitil mo na walang kalaban-laban."

Hindi naman umiimik si Kim Youngmin dahil para ba siyang nabibingi dahil sa mga naririnig niya.

"Malas mo dahil akong nakaharap mo. Wala akong patawad pagdating sa mga ganitong bagay. Nasimulan ko na and I will assure everyone that I'll finished what I've started."

"You--"

"I don't have any ounce of pity for you kahit nasa ganyang sitwasyon ka. You deserve it for stepping on people's lives, killing them without any mercy and using them like robots and machines... Kulang pa nga ang pagkakabilanggo mo bilang kabayaran sa mga kabulastugang ginagawa mo."

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon