XXXIX. Getting Busy

121 3 0
                                    

Ilang minuto palang ang nakakalipas pagkatapos ng alas-sais ng umaga ng magising si Min Joo. Umupo siya roon sa kama. Nadako ang tingin niya sa papag, nakita niya si Kai doon na nakatulog pa. Aigoo~ bakit sa papag siya natulog? Pwede namang sa sofa nalang. Aish! Sabay hawi sa buhok niya. Tumayo siya roon saka dumiretso sa restroom para mag-ayos ng sarili niya. Pagkatapos niya ro'n ay pinuntahan naman niya ang kitchen.

"Ahhh~ hindi ko alam magluto. Paano 'yan?" Salita niya sabay bukas ng ref. Wala 'tong laman bukod sa mga delatang nando'n, isama mo na rin ang instant noodles at kung ano pang instant 'yan. Dahil taga-kain lang naman 'tong si Min Joo, bumalik siya sa kwarto para gisingin si Kai. Nakatagilid ng pwesto 'tong si Kai at kitang kita ang biceps niya.

Napalunok si Min Joo sa nakita niya. Sheesh! Biceps pa more~

"Kai..." Tawag niya rito sabay yugyog sa kanya. Hindi naman gumalaw 'tong si Kai. Lumuhod pa siya para mas mayugyog niya 'to at magising. "Jongin... Jongin..." Paulit-ulit niyang tawag hanggang sa maalimpungatan na 'tong si Jongin.

"Hmm... ano...?" Sambit niya saka talukbong ng kumot sa mukha niya.

"Jongin... Jongin... bango--"

"Kyaaaa!" Biglang sigaw ni Min Joo. Naisubsob siya kay Kai at nakayakap ang binata sa kanya. Ayun, pareho na silang nakahiga sa papag.

"Huwag ka nga maingay." Salita niya in his deep, husky voice. Natameme namang itong si Min Joo sa boses na narinig niya.

"Jong--" She manage to utter his name but was cut off.

"Shhh~ matutulog pa 'ko..." Salita na naman niya. Napatingin si Min Joo sa mukha ni Kai, ilang pulgada lang ang layo. Medyo napayuko naman si Min Joo at nagulantang sa nakita niya. Naka-topless si Kai. Napapikit siya at napa-lipbite. Tangina. Swerte ng babaeng 'to.

Hindi nakasalita si Min Joo. Bigla rin humigpit ang pagkakayakap ni Kai sa kanya. Ito ang laging nangyayari sa mga taong nanggigising kay Kai, lalo na kapag yinuyugyog siya. Hihilain ka niya hanggang sa mayakap ka niya. Kaya kapag ginigising siya ni D.O, tinatapik lang niya ang mga binti nito para hindi siya mahila. NGAYON, biktima si Min Joo ng sleeping habit niyang 'yon.

"K-Kai... hi-hindi ako makahin-hinga..." Salita ni Min Joo.

Hindi kumikibo si Kai. Puta! Papatayin na yata ako neto ehh! She thought as she struggles to untangle herself from Kai's hug.

"K-Kai! Ano ba! H-Hindi ako... hindi ako ma-makahinga!" Sigaw na niya sa mismong tenga ni Kai kahit nauutal na siya. Tuluyan nang nagising si Kai. Nagulat din siya ng makita niyang yakap na niya si Min Joo.

"Good Morning, Joo." Sambit niya saka binitawan ang dalaga at umupo.

"Ahhh~ argh! Akala ko mamatay na 'ko do'n. Tulog ka nga, ang lakas mo pa rin." She said saka hinahaplos-haplos ang sumasakit na parte ng katawan niya.

"Sorry. Sleeping habit ko kase 'yon kaya kapag ginigising nila ako lagi akong tinatapik sa paa or sa binti." Paliwanag niya saka kinuha ang phone niya.

Habang kausap niya ang nasa delivery hotline, tumayo na si Min Joo at lumabas sa kwarto. Ilang minuto ang nakalipas at lumabas si Kai, dala-dala ang mga bedsheets na ginamit niya. Inilapag niya 'to malapit sa sala.

"Min Joo." Panimula niya. "Sorry."

"Para saan?" Tanong naman ni Min Joo habang nanonood ng tv.

"Uh... 'yong kanina? Pasensya." Sabay kamot sa batok niya, nakasuot na rin siya ng pang-itaas na damit.

"Okay lang. At least, buhay pa 'ko." She beamed pero umirap din. Nang mai-deliver na ang kanilang pagkain, nag-prepare agad si Kai sa dining.

"Min Joo-ah! Halika na! Kakain na!" Sigaw naman niya na nasa dining. Umagang-umaga kase nanonood si Min Joo.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now