Sidestory #2 pt. 5

32 0 0
                                    

Pt. 5 - Kailan Ka Ba Magiging Akin?

Nagkaroon ng Assembly ang lahat. Ipinakilala na sila Moon Sung Mi na model at galing siya sa Woollim. Si Kwon Chan Ki na president ng Seoul University at si Hee Rin.

Pinaiwan lahat ng idols at ipinakilala nga silang anim. Si Seul Joo at Min Young ay naroon din. Okay na sana ang lahat para kay Jongin ng biglang umeksena si Ms. Yang Na Ra, ang secretary ni Mr. Lee.

"D.O hyung!" Tawag ni Kai kay D.O ng makalabas sila.

"Naiisip mo ba 'yong naiisip ko?" He asked the older.

"What do you mean?" He asked. Napaisip naman siya. "Ahhhh~ mukhang alam ko kung anong sinasabi mo."

"Ano, tara?!" He asked.

"Tara! Gusto kong malaman kung anong mangyayari." Sagot din ni D.O.

Sila Baekhyun naman, pinag-usapan naman nila kung saan sila pupunta at napagdesisyunang mag-streetfoods nalang.

Taemin suddenly coughed. Pinapatamaan niya 'yong dalawang naglalandian sa tabi nila.

"Bakit? Inuubo ka?" Bigla naman tanong ni Min Joo. "Masama pakiramdam mo?" Nagulat siya at bigla nalang nagpa-cute. Taemin, ano namang trip mo?

"Ah, hindi... hindi ko alam." Sagot niya sa mahinang boses. Nanlaki ang mga mata nito ng biglang hinawakan ni Min Joo ang noo niya. Napakunot noo si Min Joo at hinawakan din ito sa leeg. Gusto lang naman niyang malaman kung may sakit si Taemin.

"Hindi ka naman linalagnat." Sabay bitaw sa leeg nito.

"Ano... Ayos lang ako. Anong gusto mong street food?" Tanong nito.

"Kahit ano." She answered with a smile.

Biglang naalala ni Taemin 'yong nangyari kahapon, "Okay ka na ba? Di ba dapat nagpapahinga ka palang?" Tanong niya.

"Okay na 'ko. Hard as steel 'to." Sagot naman ni Min Joo na nakangisi.

"Sigurado ka?" Halata sa mukha ni Taemin ang pag-aalala.

"Oo naman kase kung hindi wala ako dito ngayon," aniya. Masakit pa talaga buong katawan ko kaso assembly kanina kaya kailangan kong pumunta. She thought saka tinignan ang dinaraanan nila.

"Oh! Ddeokbokki!" Bulaslas ni Baekhyun kaya napatigil silang lahat.

"Tara?!" Aya ni Taemin.

Sumunod naman 'yong mga iba at pumasok sila sa stall. "Ako nalang magbabayad." Volunteer ni Suho ng makaupo sila. "Mamili nalang kayo ng gusto niyo."

"Sige. Sabi mo 'yan ah, hyung." Ani Baekhyun.

"D.O hyung, nasaan na sila?" Tanong ni Kai kay D.O na lookout sa ngayon.

"Nasa loob sila ng stall eh. Malamang, kakain na na--" Nagulat siya sa nakita niya no'ng lumingon siya.

"Akala ko ba si Chen?! Bakit si Lay hyung?!" Medyo badtrip na tanong ni D.O.

"Eh wala naman kase siya, hyung. Kaya si Lay hyung nalang hinila ko. Tutal siya naman ang guardian angel ni Hee Rin." Sagot nito sa nakakatanda at binigyan ito ng maiinom.

"Ano ba, guys? Ano bang ginagawa niyo? Bakit pati ako dinadamay niyo?" Tanong naman ni Lay sa kanilang dalawa.

"Hindi ka ba naku-curious sa ginagawa nila, hyung?" Tanong ni D.O sa kanya.

"Oo, alam ko... concern kayo pero hindi naman kailangang mag-stalk kayo ng iba." Ani Lay. "Para kayong mga sasaeng," he hissed.

Akmang aalis na siya ng hinila na naman siya ni Kai. "Hyung naman eh! Ngayon lang 'to. Promise! Ngayon lang 'to!" Makaawa naman ng nakababata.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now