XVIII. Doubtful Feelings

132 5 1
                                    

Hee Rin groaned as she turned to her left. Napansin niya si Lay na nakatulog pa pero hindi na gaya ng posisyon nila kahapon ng umaga ang posisyon nila ngayon.

Umupo siya sa kama at yinugyog niya si Lay. "Oppa~ gising na... umaga na."

Ito namang si Lay mahirap gisingin kaya mas yinugyog niya ito hanggang sa gumalaw siya.

"Oppa~ bangon na sabi ehh!" Sabay hinampas ng unan sa bandang tiyan na.

"Ya! Wag kang manghampas!" Bulyaw ni Lay sa kanya.

Hindi na niya pinansin ang protesta ng kasama niya at dumiretso sa bathroom.

"Whoa!" Gulat na sambit ni D.O na nasa kusina ngayon ng makitang sabay si Lay at si Hee Rin na pumunta do'n.

Nagpangalumbaba si Lay sa dining at kumuha naman ng iinumin niyang gatas sa ref si Hee Rin.

Pumunta si D.O sa dining na may hawak na isang dish para sa breakfast nilang lahat. Nang mailapag niya ito, "Kayong dalawa, may tinatago ba kayo sa 'min?" Tanong niya sa dalawa.

"What do you mean, D.O-ah?" Tanong ni Lay at halatang inaantok pa dahil mapupungay pa ang mga mata niya. Humikab pa siya.

"Kailan ka ba kase dumating dito, hyung?" Tanong niya at hindi naman nag-react si Hee Rin.

"No'ng isang araw pa kaya hindi pumasok si Hee Rin kase magkasama kami." Sagot ni Lay.

"Gisingin ko lang sila." Sambit naman ni Hee Rin at pinuntahan ang communication device. May naka-install na gano'n sa bawat room sa bahay. Kahit sa kusina, sa may pader malapit sa pool at sala merong gano'n.

May kung anong pinindot si Hee Rin sabay sabing, "Guys! Gumising na kayo! Anong oras na ohh!"

"Kapag di pa kayo babangon, hindi kayo ilulutuan ni D.O oppa ng pagkain niyo." Dagdag niya.

"I-drain ko lang 'yong naipong tubig sa pool." Sabi niya sa dalawang nando'n habang hawak niya ang isang baso ng gatas.

Lumabas na nga siya mula sa gym room dahil binuksan niya ang sliding door doon. Napansin niyang nag-o-overflow na ang pool.

Ang lakas pala ng ulan kagabi. She thought at pumunta sa isang sulok para i-drain na ito.

Habang idini-drain niya ang tubig doon, umupo siya sa may grass bed. Sa pag-upo niyang 'yon doon, lahat ng nangyari simula ng tumapak siya sa South Korea ay naalala niya.

Nakilala niya ang iba't ibang groups sa SMEnt. Nakilala din niya ang ibang trainees. Marami na siyang naging kaibigan at ngayon... ang EXO na isa sa mga pinapangarap lang niya makita noon, ngayon ay kasama na rin niya.

"Pero isa lang talaga ang taong naging super close ko sa kanila... Hindi ko alam kung paano basta ang alam ko kapag kailangan ko ng kasama, nandiyan siya lagi. Kausap, kakwentuhan at higit sa lahat... siya rin lang ang nag-aalaga sa 'kin na para niyang kapatid. Pero bakit? Parang may naiba..." Mas humigpit ang hawak niya sa baso.

"Siya ba talaga?" Iyon ang tanong niya sa sarili niya.

"Rin!" Tawag sa kanya ni Lay. "Pasok ka na. Kakain na tayo."

Agad na tumayo si Hee Rin at pumasok. Sana nga siya nalang talaga. She murmured.

Kumpleto na sila lahat sa dining ng naihain lahat ni D.O ang mga pagkain. "Umma~" Tawag ni Suho. "Marami ka bang kanin na niluto? Baka kulangin na naman."

"Rinamihan ko pa para kay Min Joo-ah at Xiumin hyung." Sagot naman niya.

Nang makaupo si D.O, nagsikain na sila.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon