XXIX. Love Me

37 1 0
                                    

"Lay hyung!" Sigaw ni Chen, Chanyeol, D.O at Baekhyun.

"Ho-ho-ho!" Biglang singit ni Chen.

"Annyeonghaseyo, Lay hyung." Sambit ni Chen na nakangiti. "Marami akong itatanong sa 'yo."

"Hahahahaha! Ako nalang sana magtatanong sa kanya. Kkaepsong~" Sambit ni Baekhyun.

"Ako nga din eh! Naka--" Singit ni Tao.

"Ako nga din eh!" Singit din ni Baekhyun kaya tinawanan nila 'yong dalawa.

"Copying machine!" Bulyaw ni Tao sabay inom.

"Copying machine!" Sigaw din ni Baekhyun at lumagok din.

"Hoy! Tama na 'yan! Magtatanong na 'ko!" Bulyaw ni Chen sa dalawang nagtatalo.

"Hyung! Kayo ba ni Hee Rin?!" He asked in a loud voice at tumayo pa talaga. Tumingin naman si Hee Rin sa katabi niyang si Lay.

"Aniyooo~" Sagot ni Lay. Nagkatingin sila sa isa't isa ng sinabi 'yon ni Lay.

"Seryoso?!" Tanong ni Min Joo.

"IMPOSSIBLE~ IMPOSSIBLE~!" Kanta ni Baekhyun.

"Hay naku. May tinatago 'yang dalawa 'yan." Sabad ni D.O. Napatingin naman 'yong dalawang pinag-uusapan kay D.O. Hindi na sila umimik.

"Kung meron man, malalaman niyo rin, di ba?" Tugon ni Lay. Napakunot noo naman si Hee Rin sa sinabi niya.

"Bakit close kayo?" Tanong ulit ni Chen.

Inakbayan naman ni Lay si Hee Rin, "Ganito?" He asked.

"Ewan ko. Okay lang sa 'kin na inaakbayan ko siya. Okay lang rin naman sa kanya." Sagot ni Lay. 

Ngumiti din naman si Hee Rin. Seriously! Hindi naman 'yon totoo. Iba na ang dating ng mga akbay at yakap sa 'kin ni Lay oppa. Hee Rin thought. Kung alam niyo lang, guys!

"Sabi niya, natutulog ka sa kwarto ng kapatid niya. Sigurado ka?" Tanong ulit ni Chen. Naramdamanan ni Hee Rin na nag-init ang mukha niya. Hindi siya umimik at nagsimula na silang tumili.

"Daya! Sabihin! Sabihin!" Protesta naman nila. Eto namang si Suho, naka-pokerface lang habang hawak-hawak ang isang baso ng juice.

"Kung matutulog man ako sa kwarto niya, do'n ako sa sofa." Palusot ni Lay.

"Ohhh~" React nila.

"Kahina-hinala," kumento ni Min Joo.

"Oo nga. Atsaka, nandito na si Lay oppa no'ng pumunta kami ni Min Joo-ah dito. Naalala mo no'n, D.O oppa? No'ng sinabi namin ni Min Joo-ah na mauna kaming dalawa na pumunta dito?" Salita ni Chan Ki.

"Ne. Hindi ko nga rin aakalain na nandito siya no'n eh." Dagdag ni D.O.

"Ohh? Jjinja?" Chen asked.

"Ne. Sabi naman ni Hee Rin... pinapunta daw si Lay oppa ni Eunhyuk oppa dito sa bahay nila." Dagdag ni Chan Ki.

"Close kayo ni Eunhyuk hyung?" Tanong ni Tao.

"Hindi naman. Sa 'kin lang niya binibilin si Hee Rin kase ako ang pinaka-close niya. Atsaka, wala silang kamag-anak dito. Walang magbabantay sa kanya, lalong lalo na ngayon na wala sila." Lay answered honestly.

"Di na siya bata." Ani Suho.

"Iyon nga 'yong problema eh, oppa." Singit ni Hee Rin. "Hindi nila ako pwedeng iwan mag-isa. Alam niyo naman, inaalagaan talaga akong mabuti."

"You're really suspicious." Tugon naman ni Seul Joo.

"Hee Rin-ah. Kapag ikaw ang tinanong siguraduhin mong sagutin mo lahat, ha?" Ani Min Young.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now