Sidestory #2 pt. 12

17 0 0
                                    

Pt. 12 - Gut Feeling

Ilang minuto palang ang nakakalipas pagkatapos ng alas-sais ng umaga ng magising si Min Joo. Umupo siya roon sa kama at nadako ang tingin niya sa papag, nakita niya si Kai doon na tulog pa. "Bakit sa papag siya natulog? Pwede namang sa sofa nalang."

Kasabay ng paghawi niya ng kanyang buhok ay ang pagtayo niya para na rin makapag-ayos. Natapos siya at dumiretso sa kusina. "Ahhh~ hindi ko alam magluto. Paano 'yan?" Salita niya sabay bukas ng ref. Wala 'tong laman bukod sa mga delatang nando'n, isama mo na rin ang instant noodles at kung ano pang instant 'yan. Dahil taga-kain lang naman 'tong si Min Joo, bumalik siya sa kwarto para gisingin si Kai.

Nakatagilid ng pwesto 'tong si Kai at kitang kita ang biceps niya. Napalunok si Min Joo sa nakita niya. "Sheesh! Biceps pa more~" Tinatagan niya ang loob niyang hindi maakit ng braso ni Kai.

"Kai..." Tawag niya rito sabay yugyog sa kanya. Hindi naman gumalaw 'tong si Kai. Lumuhod pa siya para mas mayugyog niya 'to at magising. "Jongin... Jongin..." Paulit-ulit niyang tawag hanggang sa maalimpungatan na 'tong si Jongin.

"Hmm... ano...?" Sambit niya saka talukbong ng kumot sa mukha niya.

"Jongin... Jongin... bango--"

"Kyaaaa!" Biglang sigaw ni Min Joo. Naisubsob siya kay Kai at nakayakap ang binata sa kanya. Ayun, pareho na silang nakahiga sa papag.

"Huwag ka nga maingay." Salita niya in his deep, husky voice. Natahimik namang itong si Min Joo sa boses na narinig niya. "Jong--" She managed to utter his name but was cut off.

"Shhh~ natutulog pa 'ko..." Salita na naman niya. Napatingin si Min Joo sa mukha ni Kai, ilang pulgada lang ang layo. Medyo napayuko naman si Min Joo at nagulantang sa nakita niya. Wala siyang pang-itaas na damit. Napapikit siya at napakagat sa kanyang labi. Hindi nakasalita si Min Joo. Bigla rin humigpit ang pagkakayakap ni Kai sa kanya.

Ito ang laging nangyayari sa mga taong nanggigising kay Kai, lalo na kapag yinuyugyog siya. Hihilain ka niya hanggang sa mayakap ka niya. Ilan na ang naging biktima niya dahil sa sleeping habit na 'yon. Kaya kapag ginigising siya ni D.O, tinatapik lang niya ang mga binti nito para hindi siya mahila. NGAYON, biktima si Min Joo ng sleeping habit niyang 'yon.

"K-Kai... hi-hindi ako makahin-hinga..." Utal na salita ni Min Joo pero hindi pa rin kumikibo si Kai. Puta! Papatayin na yata ako neto ehh! She thought as she struggled to untangle herself from Kai's hug.

"K-Kai! Ano ba! H-Hindi ako... hindi ako ma-makahinga!" Sigaw na niya sa mismong tenga ni Kai kahit nauutal na siya. Tuluyan nang nagising si Kai. Nagulat din siya ng makita niyang yakap na niya si Min Joo.

"Good Morning, Joo." Sambit niya saka binitawan ang dalaga at umupo.

"Ahhh~ argh! Akala ko mamatay na 'ko do'n. Tulog ka nga, ang lakas mo pa rin." She said saka hinaplos ang sumasakit na parte ng katawan niya.

"Sorry. Sleeping habit ko kase 'yon kaya kapag ginigising nila ako lagi akong tinatapik sa paa or sa binti." Paliwanag niya saka kinuha ang phone niya. Habang kausap niya ang nasa delivery hotline, tumayo na si Min Joo at lumabas sa kwarto. Ilang minuto ang nakalipas at lumabas si Kai, dala-dala ang mga bedsheets na ginamit niya. Inilapag niya 'to malapit sa sala.

"Min Joo." Panimula niya. "Sorry."

"Para saan?" Tanong naman ni Min Joo habang nanonood ng tv.

"Uh... 'yong kanina? Pasensya," sabay kamot sa batok niya, nakasuot na rin siya ng pang-itaas na damit.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon