Sidestory #2 pt. 19

26 1 0
                                    

Pt. 19 - Kidnapping Incident

"Buti naman at nakalabas na tayo, Min Joo." Napainat si Taemin ng galing sila sa isang restaurant. Ngayon naman ay papunta sila sa isang parke.

"Oo nga eh," she said. "Saan ba tayo pupunta, oppa?"

"Park?" Hindi siya sigurado. "Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan," tugon naman ni Min Joo. Nakarating sila sa isang amusement park. Lumungkot ang mukha ni Min Joo... "Bakit dito pa?" She mumbled.

"Here we are!" Masayang sabi ni Taemin. Min Joo faked a smile and followed him.

Hindi mapakali si Min Joo dahil iyong amusement park na 'yon ang pinuntahan nila dati ni Kai. Hindi maipinta ang kanyang mukha. Iyong ang lugar kung saan nagsimula ang lahat...

Iyon ang lugar na saksi sa kanilang masasayang alaala.

"Min Joo-ah, okay ka lang?" Taemin asked. Napansin niya kaseng natulala ang dalaga.

"Sort of... sumama pakiramdam ko." Hindi naman talaga masama pakiramdam niya pero bigla nalang niya naaalala ang mga nangyari no'ng naroroon.

"Is it a bad idea to go here? Ihatid nalang ba kita sa inyo? Mukhang masama talaga pakiramdam mo eh." Pag-aalala ni Taemin. Inalalayan niya ang dalaga, "You should've declined my offer kung masama pala pakiramdam mo."

"Baka kase wala nang next time, oppa... kaya pumayag na ako na ngayon na lang," aniya.

"Okay, then... kung masama talaga pakiramdam mo, we'll just go sa eco-park."

No, definitely not there. Gusto 'yong sabihin ni Min Joo ngunit hindi naman magandang pagkwentuhan o banggitin ang iba lalo na't sila ang magkasama.

"I don't think that would be a good idea," sabi rin ni Taemin saka tinignan si Min Joo. "How about we go for rides? Iyong mga kakayanin lang natin." Sabi niya saka tumawa.

Napangiti si Min Joo, "Anywhere 'wag lang roller coaster and horror house. I had enough of them."

Napakunot noo si Taemin sa sinabi niya, "Nakapunta ka na dito?" He asked.

"Um, yeah? Some time before." She smiled. Hindi na siya nagtanong pa at hinayaan nalang.

[...]

"It was such a great day." Sabi ni Taemin. Nasa loob sila ngayon ng Ferris Wheel ni Min Joo. TInatanaw nila ang mga iba't ibang kulay ng ilaw sa di kalayuan.

"Yes," she smiled. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. "By the way, thank you kase inaya mo akong lumabas. I just really, you know... distract myself."

"Sabi na nga ba eh, meron kang hindi sinasabi sa 'kin. Para bang wala tayong pinagsamahan." Pumangalumbaba si Taemin saka tumingin sa labas.

"You can't blame me. Papapuntahin ka sa ibang bansa tapos engagement ang ibubungad sa 'yo... what would you feel? Ipagkakasundo ka pa sa tinuringan mong kaibigan." Min Joo said in monotone.

"Sorry," dispensa ni Taemin, "I didn't know." He said.

Silence enveloped them. "But... you knew the guy. Anong reaksyon niya?" He asked.

"Flabbergasted. No wonder, pinapunta rin siya ng London ng wala sa oras."

"Malapit na tayo sa baba," sabi nalang ni Taemin.

Nakababa na sila at inalalayan ang dalaga. "Can we go somewhere else before I'll see you off?" Tanong ni Taemin.

"Sure," sabi naman ni Min Joo. Nakailang lakad pa sila ng magpaalam saglit si Taemin na aalis. Naiwan ang dalaga do'n saglit do'n at hinintay siya.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now