LXIII. South Korea's Prime Minister

82 1 2
                                    

"Heto pa rin tayo, nabubuhay nang hindi kampante dahil hindi natin alam kung anong naghihintay sa 'tin." Sambit ni Yunho habang nakasandal sa kotse.

"Iyon nga eh pero parang laging may peligrong naghihintay sa 'tin." Pagsang-ayon ni Changmin.

Tatlong taon na ang lumipas ng mangyari ang mga kalokohan sa SM Entertainment. Ang nakakalungkot, wala pa ring napaparusahan sa mga nangyari. Hindi pa rin natatamo ang hustisya sa pagkamatay ni Min Hyuk at Ji Hyun. Si Chan Yeon na binagabag ng konsensya niya at nagsalita tungkol sa kabulastugan ng CEO ay wala pa ring napatunayan. Hindi na nga rin sila makampante dahil alam nilang may mga matang laging nagbabantay sa kanila.

"Hindi pa ba makakabalik sila Hee Rin dito?" Tanong ni Changmin. "Ayoko mang umasa sa kanila lagi pero sila lang kase ang makakagawa ng paraan para dito." Aniya.

"Hindi ko pa nga alam eh. Ilang buwan na nga rin kaming hindi nakakapag-usap ng maayos ni Min Rin dahil sa mga nangyayari sa England." Sagot ni Yunho. "Pero kahit papaano, hindi na masyadong magulo ngayon sa SME." Dagdag niya.

"Pero kinakabahan ako, hyung." Tugon niya kasabay ng kanyang pagpikit.

Hindi nagsalita si Yunho ng marinig niya 'yon mula kay Changmin. Napapaisip siya lagi tuwing gano'n ang sasabihin niya. "Oo nga pala, nasa'n na sila Jaejoong?" Tanong ni Yunho, pag-iiba niya ng pinag-uusapan.

"Wala pa namang reply. Ang sinabi lang hintayin natin sila dito." Sagot naman ni Changmin habang nakatingin sa kanyang cellphone.

-

"Chan Yeon-ah." Tawag ni Hee Ryung sa dalaga.

"Unni." Mahinang salita ni Chan Yeon. "Unni, bakit gano'n? Hindi pa ba sapat 'yong ebidensyang ibinigay ko? Buti nga nakuha ko 'yong video na 'yon eh." Sambit niya sa malungkot na boses.

Lumapit si Hee Ryung saka umupo sa harap ni Chan Yeon, "Mananagot din siya." Paninigurado ni Hee Ryung para maibsan ang dinadamdam ng dalaga.

"Is this the price I pay because I toyed with Jongin's feelings before?" She asked. "He raped me. I'm scarred for life!" Sigaw niya at pumiyok. Sumabay din ang pagbagsak ng kanyang luha.

"Chan Yeon-ah." Pakalma ni Hee Ryung. "Don't worry, arasseo? Everything will be okay."

"I hate him! Mga katulad niya kailangang mabulok sa kulungan! He's a demon! No, dapat siyang maparusahan, dapat siyang mamatay!" Aniya.

Humiwalay sa yakap si Hee Ryung ng tumunog ang kanyang phone. "Yeoboseyo?"

"It's me." Sambit ng nasa kabilang linya. "Umusad na ulit 'yong kaso, sajangnim."

She sighed upon hearing it. A burden was lifted. "Thank goodness."

"Ifa-follow up na rin namin 'yong about kay Chan Yeon-ssi para matapos na."

"Salamat."

"Everything will be alright. Matatapos din 'to." Hee Ryung assures her.

-

"Ano?!" Sigaw agad ni Leeteuk ng marinig 'yong balita.

"Eh 'yon naman ang sabi, hyung." Sambit ni Kyuhyun.

"Leeteuk hyung!" Sigaw ni Heechul habang papalapit kay Leeteuk na hawak ang kanyang gadget. "May PressCon mamaya si Prime Minister kasama si Junho at Suho!"

Napamura nalang si Leeteuk sa nalaman niya. "Kailangan nating pumunta sa EXO." He said without thinking.

"Pero hyung... Ano? Wala naman tayong magagawa para sa kanila!" Sambit ni Kyuhyun.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now