Sidestory #2 pt. 15

18 1 0
                                    

Pt. 15 - Solved

Isang araw na naman ang lumipas at nasa London na ngayon si Min Joo. Napabuntong hininga siya dahil iyon na ang araw nang pagkikita nila ng kanyang magiging kabiyak sa pagdating ng panahon.

Inilapag niya ang dress sa kama. Ipinadala 'yon sa kanya pero habang tinitignan niya 'yon ay para ba siyang sinasaksak sa puso. "Bakit ba kailangang maging ganito lahat?" Nasapo niya ang kanyang noo.

Wala siyang magawa kundi maging sunud-sunuran lang sa kanyang ama. Napaisip na nga rin siya eh, kung para nga ba sa kanya talaga o hindi 'yong ginagawa ng kanyang appa.

[...]

"Welcome, Miss Song." Bati nila sa kanya. Linagpasan lang niya ang mga bumati saka tinahak ang daan patungo sa assigned venue. May escort na sumabay paakyat mg elevator.

"Siya 'yong anak ni Mr. Song?" Rinig niyang bulungan sa mga nasa likod niya.

"Oo. Carbon copy ng kanyang mama." Sabi naman ng isa.

Napapikit ng mariin si Min Joo at napatingin sa pinto ng elevator. Nakikita niya ang repleksyon niya roon. Nakasuot siya ng formal dress, mataas na sapatos at may nakasabit na ilang mamahaling alahas sa kanyang leeg. Naka-makeup siya at nakakaagaw pansin ang kanyang dark, red lipstick.

"This way, Miss." Alalay naman ng isang lalaki do'n saka siya pinagbuksan ng pinto. Sumalubong sa kanya ang ilang naroroon.

Nanlaki ang mga mata niya sa kanyang nakita. Napatigil siya sa paglalakad nang makita ang lalaking nakatayo roon. "Chan Eun oppa?" She asked in disbelief. Nakatingin din sa kanya si Chan Eun na may nakaawang na bibig. "Min Joo?? B-Bakit--" hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin.

"Mukhang magkakilala kayo," si Mr. Song. Napalitan ng galit ang ekspresyon ni Min Joo ng marinig ang boses ng kanyang ama. Ibinagsak ni Min Joo ang kamay niya sa kanyang tagiliran, "I'm against this crap of yours."

"Oh, I thought you already talked it over, Changmin." A man probably in his 50's asked. Napakunot si Min Joo dahil pamilyar ang mukha no'ng matanda sa kanya. Lumingon si Mr. Song Changmin sa nagsalita saka, "a change of heart," tumawa siya ng pilit.

Lumapit naman siya ngayon kay Min Joo. Walang ekspresyon sa kanyang mukha kaya napaurong ang dalaga. "Don't go saying stuff like that. Sila ang number one investor sa kumpanya natin. Umayos ka." Seryoso niyang bulong kay Min Joo.

The lady did not falter but rather, "You've changed, appa. I did not know this side of you." Bulong din ni Min Joo kaya kumunot ang noo ng kanyang ama. Halos nanigas sa kanyang kinatatayuan ang kanyang ama.

"Min Joo..."

Tumayo siya ng maayos, "I'm sorry to say but I'm against this marriage proposal for us that you planned." Taas noo niyang sabi.

"I'm sorry, Miss Song. It's already been signed and approved by your father since you are underage. Same as through with Mr. Strathmore who happened to be not yet in the age for him to independently decide." Sambit no'ng lalaking naroroon.

"What?!" Gulat ding sabi ni Chan Eun. Bumaling si Chan Eun sa kanyang ama, "You did what, Dad? Why did you not call me for us to talk about it?" Hindi naman nagsalita 'yong tinawag niyang Dad.

"I cannot accept this," sambit ni Min Joo saka umalis sa lugar na 'yon. Bumalik siya sa kanyang tinutuluyan na may wasak na puso. Napag-isipan niyang bumalik ng Paris muna. Napaisip siya bigla ng maalala niya 'yong mga mangyari kanina lang. Bakit nakayang gawin 'yon ng kanyang ama? Ang masakit pa, ipagkakasundo siya sa tinuringan niyang kaibigan.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon