XXXI. Back

34 0 0
                                    

"Baekkie~ kailan ka pupunta kanila Baekbeom hyung?" Chanyeol asked habang naglalakad sila papunta sa cafeteria.

"Hindi ko pa alam. Baka kase kapag nando'n ako, pagalitan na naman ako ni Yoora noona." Sagot ni Baekhyun.

"Ang ingay mo naman kase. Ang daldal mo." Puna ni Chanyeol.

"Parang hindi ka naman madaldal ah!" Sumbat ni Baekhyun.

"Ya! Tama na 'yan!" Patahimik ni Sung Mi sa kanila.

"Naku, Sung Mi. Masasanay ka rin sa kanila." Singit ni Chen. Silang apat ang magkakasama ngayon.

"Oo pala. May isang buwan pa para mag-practice kayong anim." Pag-iiba ng topic ni Chen.

"Dati nang trainee dito si Min Young unni at Seul Joo unni, di ba? Bakit hindi pa rin sila nagde-debut?" Tanong ni Sung Mi.

"Tinatanggihan nila. Hinihintay nila na SM mismo ang kumuha sa kanila. Alam naman nating matagal na nilang kilala sila Luhan at Sehun. Ayaw nilang umalis dito." Sagot ni Chanyeol.

"Sana nga SM kukuha sa 'kin." Sabi ni Sung Mi. Pumunta si Chen sa may counter para bumili ng pagkain nila. Naiwan silang tatlo sa may table.

"Ano ka ba! Oo na 'yan. Siguradong kukunin kayong anim ng SME. Kaya--" Biglang napatigil si Baekhyun ng makita ang isang babaeng pumasok sa loob ng office. Tanaw na tanaw niya mula sa cafeteria. Kahit side view lang ang nakita nito, aminado siyang nakita na niya 'yong babaeng 'yon dati.

"Baek? Ano? Anong kaya?" Tanong ni Chanyeol.

"Kaya dapat galingan niyo." Sabay tingin sa kanila na nakangiti.

"Makukuha silang anim. Alam kong hindi papalampasin ni Mr. Lee ang pagkakataong 'to." Paninigurado ni Chanyeol na tumingin kay Sung Mi.

"Pero bakit kailangan pa naming mag-showcase kung obvious namang makukuha kami." Tanong ni Sung Mi.

"Gano'n talaga. Kailangan para talagang makita kung saan kayo magaling. Dapat walang kakalas sa inyong anim. Dapat anim pa rin kayo," sabi ni Baekhyun.

"Imposible 'yon! SME ang gusto namin. Atsaka nandito kayo, no!" Nakanguso na sinabi ni Sung Mi.

"Kaya nga naman. Imposibleng magkakawatak-watak silang anim." Dagdag ni Chanyeol.

Tumango nalang si Baekhyun at tinignan ang office na pinasukan ng babae kanina. Inabangan talaga niya ang paglabas ng babaeng pumasok do'n. Ilang minuto ang lumipas at napansing niyang may lumabas rito. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya.

"Bakit siya nandito?!" Tanong niya sa sarili niya.

Pumasok si Hee Rin sa isang training room at nakita niya si Suho doon na nakaupo. "Annyeong, oppa!" Bati ni Hee Rin.

"Annyeong." Bati din naman sa kanya ni Suho.

"Isa na 'ko sa magte-train sa 'yo," sabay ngiti.

"Okay. Ano pong training ko ngayon?" Tanong nito at inilapag ang kanyang sling bag may lamesa.

"As usual, may ipapakanta na naman ako sa 'yo." Sagot nito sabay abot ng mga papel na may nakasulat na lyrics.

Sinimulan na nila ang training. Kumakanta si Hee Rin doon habang nakikinig si Suho sa kanya. Tinitignan niya rin ang dalaga. Halos isang oras na ang nakalipas. Kumakanta si Hee Rin ng biglang may nahulog na isang papel mula sa mga hinahawakan niya kaya tumigil siya para pulutin ito.

Pinulot din ito ni Suho at halos mahawakan na niya ang kamay ni Hee Rin. Nagkatingin sila at ilang inches lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa. Bahagyang ngumiti si Suho at pinulot ang papel. Napansin niya ang relo niya, alas-singko na pala ng hapon. "Tama na. Bukas nalang ulit." Sabay kuha sa papel na hawak ni Hee Rin. "Mukhang pagod ka na rin. Magpahinga ka ng maayos," aniya.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon