L. A Demon In Human Skin

66 0 2
                                    

Humarap si Chan Yeon sa may pinto ng rooftop ng marinig niyang bumukas ito.

"Bakit mo ako tinawag dito?" Tanong ni Min Joo na nakakunot noo. Hindi pa rin niya maalis ang inis niya pagdating kay Chan Yeon. It was her who made Min Joo to force herself to go to Paris. Though ginusto rin naman niyang pumunta.

"First, gusto ko lang mag-sorry. Alam kong nasaktan kita pero kailangan kong gawin 'yon para pumunta ka ng Paris." Panimula ni Chan Yeon. "Alam kong naikwento na sa inyo ni Sehun or Taemin about sa 'min ni Jongin dati... atsaka, hindi ko naman na talaga siya gusto. It's just an act. We're done." Diin niya sa dalawang huling salitang binitawan niya.

"Then, go." Min Joo said.

"Hinintay lang naman kitang bumalik eh. So, aalis na ako ngayon. Goodluck sa showcase niyo. Ingatan mo si Jongin." Chan Yeon beamed.

Tinignan siya ni Min Joo, "What do you mean?" Tanong niya, hindi niya ipinahalata na nagulat siya sa sinabi ni Chan Yeon.

"Alam kong may feelings ka para sa kanya. Kaya kung ako sa 'yo, wag mo na siyang pakawalan. Todo siya magmahal at talagang nage-effort. Bihira ang mga lalaking gano'n ngayon." She answered.

"Am I too obvious?" She seriously asked.

"Nope. Woman's instinct." Chan Yeon answered and patted her shoulder. "Ingat ka. Ingat kayo. Atsaka, samahan mo si Hee Rin kase may gustong sumira sa inyo kaya tulungan mo siyang pigilan ang mga taong 'yon. The rest is up to you." Paalala niya bago tuluyang umalis.

May gustong sumira sa inyo. She echoed in her mind. Sino namang napakawalanghiyang nilalang ang gagawa no'n. Wala silang laban kay Hee Rin. She thought.

Pababa si Chan Yeon ng magkasalubong sila ni Kai. Ngumisi lang si Chan Yeon saka nilagpasan siya. Hindi naman naiwasang mapakunot noo si Kai. Himala. Anong nangyari do'n? He asked himself saka itinuloy ang paglalakad niya.

Nang makaalis na si Chan Yeon, napabuntong hininga si Min Joo.

Tinignan niya 'yong phone niya, nakatanggap pala siya ng message mula kay Chan Eun.

  

Chan Eun oppa

Well, yeah? I'm the third prince and she's the fourth princess. No need to hide anymore, malalaman niyo rin eh. 

 

Napatakip ng bibig si Min Joo, Kaya pala iba ang tindig niya, tipong may awtoridad... atsaka, may gustong sumira sa amin? Hee Rin, alam mo ba 'to? Kapag nalaman mong prinsesa ka... anong magiging reaction mo? And she sighed.

-

"Oppa!" Sigaw ng fangirls ni Luhan ng nakababa siya mula sa kanyang sasakyan. Agad namang rumesponde ang security do'n para alalayan si Luhan para hindi siya lalong pagkaguluhan. "Oppa! Sino 'yong fianceé mo?!" Sigaw ng isa sa kanila, dahilan para mapatingin siya sa mga fans ng may gulat na ekspresyon.

"Gusto namin siyang makilala!" They shouted again.

"Oppa, sa amin ka pa rin unless tanggapin namin siya para sa 'yo!" Sigaw rin ng isa.

"Luhan, let's go." Tawag sa kanya ni manager Dong Min na nag-aabang sa kanya sa may entrance.

Napatigil naman ang fangirls ng nakapasok siya pero mas nakuha ang atensyon nila ng dumating ang dalawang kotse do'n. Paglabas ng nasa unang sasakyan, nagtilian ang mga fans na nando'n.

"OH MY GOD!" Sigaw ng isa sa kanila.

"OH MY GOD TALAGA!" Sigaw din ng iba. Napatingin si Eunhyuk sa kanila saka ngumiti. Inalis niya 'yong sunglasses niya saka iniabot sa isang nagbigay galang sa kanya.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon