Sidestory #2 pt. 17

14 0 0
                                    

Pt. 17 - Predictions

Nagising si Kai at napansin niyang wala na siyang katabi sa kama. Naalimpungatan siya dahil sa sinag ng araw na pumapasok sa kwarto ni Min Joo. Nagbalak na siyang bumangon ng mapansin niyang tumunog ang phone ni Min Joo na nasa side table lang. Sinilip niya 'to at napansin ang Charles oppa na nakalagay, nakatanggap siya ng messages mula sa taong 'yon. Napakunot noo naman si Kai sa nakita niya, Charles? Si Chan Eun ba 'yon? He asked himself. Nagpakawala na lamang siya ng buntong hininga.

"Annyeong!" A cute voice greeted making him flinch. Napatingin siya sa bukas na pinto at nakasilip do'n si Min Joo, "Get up. Kain na." She said and flashed a smile.

Nagulat naman si Kai sa nakita niyang ngiti, "A-Ah... N-Ne. J-Just a minute." Sambit ni Kai na nauutal.

Maganda ang gising ni Min Joo nang umagang 'yon, pero tuloy pa rin ang pagpapanggap niyang girlfriend ni Kai para hindi makahalata 'yong butler niya. Nang nakapag-ayos na si Kai ng kanyang necessity, hinila siya ni Min Joo pababa papuntang dining para kumain ng kanilang agahan.

Habang nag-aagahan sila, biglang nagtanong si Il Woo, 'yong butler ni Min Joo, "Mr. Kim, kamusta naman ang pagtulog mo?" He asked.

Bigla namang nasamid 'yong dalawa. Napangiti naman si Il Woo dahil do'n. "O-Okay lang. Comfortable n-naman." Nauutal na sambit ni Kai.

"Ako, Il Woo oppa? Hindi mo tatanungin?!" She blurted. Iniwan niya ang kanyang pagkain doon at sinundan lang siya ng tingin no'ng dalawa. Umakyat siya doon saka dumiretso sa kanyang kwarto. Umakyat na rin si Kai sa taas ng napasilip siya sa loob ng kwarto ni Min Joo, pero napansin niyang wala siya roon.

Baka naliligo na siya. He thought saka pumasok sa room niya dapat. Naligo na rin siya dahil aalis na sila maya-maya papuntang Academy.

"Bakit mo kase siya pinatulog sa kwarto mo, Min Joo?!" Sigaw ni Min Joo habang nasa bathroom. Naliligo na kase siya.

Gusto mo rin lang naman! Sambit ng isip niya.

"Aish! Bakit kase kailangan niya pang pumunta dito?! Hindi pa 'ko handang harapin siya!"

Alam mo naman kaseng mahal ka niya. Eh anong aasahan mo na gagawin niya, malamang bibisitahin ka para makita ka niya! Sigaw ulit ng isip niya.

"Bakit kase ngayon pa?!" Sigaw na naman niya. "Tapos 'yong kanina! AHHHHHH~ mababaliw na ako kaiisip!" Sigaw niya.

Pumunta na sila Min Joo sa kotse ng tinawag ni Il Woo si Kai.

"Mr. Kim." Panimula niya sabay abot ng puting sobre. Napakunot noo si Kai pero tinanggap niya pa rin ang sobre. Binuksan niya 'to, isang picture ang laman.

"WHAT THE--"

"Bagay kayo, Mr. Kim." Singit ni Il Woo. "Please take good care of her." Sabay bow saka pumanik na siya sa loob.

Halos hindi makapagsalita si Kai sa nakita niya. He mentally cussed, Ganito kami natulog ni Min Joo? What the-- seryoso?! He asked himself.

Kapag natutulog si Min Joo, lagi dapat siyang may kayakap na unan. Pero dahil na kay Kai 'yong unan na 'yon... iyong laman ng litrato ay sila ni Min Joo na nakatulog. Si Min Joo ay nakasandal sa dibdib niya, habang si Kai naman ay yakap-yakap niya si Min Joo.

Isinilid niya ulit ang litrato sa sobre saka dumiretso na sa sasakyan. Pagkapasok niya, "Ano 'yan?" Tanong ni Min Joo saka pinipilit na kunin ang sobre.

"Yah! Wag mong galawin 'yan!" Sabay kuha sa sobre saka itinago. Min Joo pouted. Hinayaan nalang niya. Nag-drive na rin si Kai papunta sa Academy.

Tahimik ang buong biyahe. Hindi kayang tignan ni Kai si Min Joo dahil sa litrato habang si Min Joo naman ay naku-curious sa kung anong laman no'n.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon