XXVII. Carry Me

115 2 2
                                    

"Okay ka na?" Tanong ni Chanyeol kay Sung Mi. Nasa isang kainan sila ngayon at dala na ni Chanyeol ang mga pagkaing in-order niya para sa kanilang dalawa.

Tumango naman si Sung Mi na nakatulala pa rin sa kawalan habang nakapangalumbaba. "Kumain ka kahit konti, para naman may lakas ka. May pupuntahan pa tayo mamaya."

Nang sinabi iyon ng higante, napatingin si Sung Mi sa kanya. "Saan naman, oppa?" He asked.

"Basta. Kumain ka na. Kahit hindi mo maubos, okay lang."

Nang matapos na sila roon, naglakad sila sa lugar na iyon. "Saan ba talaga tayo pupunta, oppa?" Tanong ni Sung Mi ng makalabas sila ng kainan.

"Basta. Wag kang bibitaw kung ayaw mong mawala ulit." Sabay hawak sa kamay niya. Nagulat naman siya sa ginawa ni Chanyeol.

Naglibot sila sa Namsam at pumunta sa kung saan. "Tara sa tower." Hanggang sa ngayon, magkahawak pa rin sila ng kamay.

"Parang nakita ko si Chanyeol oppa kanina," sabi ng isang babae sa mahinang boses na kasabay nila sa elevator.

"Jjinja?!" Tanong naman ng isa. Tinignan naman ni Sung Mi si Chanyeol na kalmado pa rin kahit narinig niya 'yon. Naramdamam ni Sung Mi ang paghigpit ng hawak sa kamay niya.

"Oppa..." Bulong niya. Nginitian lang siya ni Chanyeol.

Nasa Namsan Tower sila at pinuntahan agad ang mga padlocks. "Tara!" Sabay hila sa kanya ni Chanyeol.

"Ano kayang isusulat ko?" Tanong naman ni Sung Mi, magkaupo sila ngayon ni Chanyeol. Pareho silang bumili ng lock.

"Di ba gusto mo 'ko? Bakit hindi 'yon ang ilagay mo?" He beamed. Inirapan lang niya si Chanyeol at isinulat ang pangalan niya.

"Moon Sung Mi." Sambit niya at isinulat niya sa harap ng padlock. Saranghaeyo Park Chanyeol! Lagay naman niya sa likod at drinawing ang logo ng EXO.

Park Chanyeol. Yeollie. Channie. Dobi~ Sulat naman ni Chanyeol sa padlock. "Ano naman kayang ilalagay ko sa likod?"

Napaisip siya at tinalikuran si Sung Mi. "Ahh, alam ko na! I...I will make you mine, Moon Sung Mi. Saranghaeyo!" May heart pa siyang linagay.

"Oppa, patingin nga ng sa 'yo." Sabay lapit ni Sung Mi kay Chanyeol. Agad naman niya itong binaliktad at ipinaharap niya ang pangalan nito.

"Ohhh~" Sambit niya. "Tara, ilagay na natin." Aya sa kanya.

Habang palabas sila para ilagay ang locks... "Oppa! Dito oh!" Sigaw ni Sung Mi na papunta sa kabilang dulo.

"Ha?! Dito nalang oh!" Sabi naman ni Chanyeol. Napanguso si Sung Mi at pinuntahan si Chanyeol.

"Dito mo ilagay, katabi ng akin." Nagulat naman siya sa sinabi ni Dobi, sinamaan nalang niya ng tingin. Habang linalagay ni Sung Mi, binabantayan ni Chanyeol para makita niya kung sakali mang titignan niya ang isinulat niya. "Nalagay na!" Sambit ni Sung Mi at parang bata na tuwang-tuwa. Nginitian naman siya ni Chanyeol.

Hapon na nang umalis sila sa tower. Nagpunta sila sa isang nature park doon na bukas hanggang gabi.

"Oppa. Bakit ang bait mo sa 'kin ngayon?" Tanong ni Sung Mi. "Napansin mo na ba 'ko?" She asked seriously.

Napalihis naman ng tingin si Chanyeol. "Wala namang masama kung pumayag ako sa gusto mong kausapin ako, di ba?" Tugon naman nito at nakatingin sa mga puno.

Natahimik naman si Sung Mi sa sinabi niya. Napatigil sila sa may bench. "Oo nga pala, kakausapin ko siya tungkol do'n." Isip ni Sung Mi.

"Palubog na ang araw," sambit ni Chanyeol at umupo sa may bench.

Spellbound [EXO FF]Where stories live. Discover now