XLVIII. Hidden Agenda

71 2 0
                                    

Matapos ang mahaba-habang biyahe, nakauwi na si Min Joo sa Korea na may sama ng loob sa appa niya dahil sa nalaman niyang engagement nila ni Chan Eun. Mas lalo pa tuloy siyang nagalit dahil hindi man lang sinabi sa kanya, kung sinabi sana mas okay pa siguro ang reaction niya. Pero kahit gano'n nga ang nangyari, she felt sorry for Chan Eun dahil hindi siya pinayagang makipag-relationship kay Eun Jae. But still, a part of her is thankful, too.

Paglabas niya ng airport, nando'n ang isang lalaking nakatayo na naghihintay sa kanya, para sunduin siya. A small smile flashed on her face upon seeing him. "Welcome home." Sambit ni Taemin saka yinakap siya saglit at kinuha ang gamit niya.

"Ne. Kailan ka umuwi, oppa?" She asked.

"Kahapon lang, katatapos lang kase ng promotions namin overseas eh. It's been a while, may bago bang mga balita?" Taemin asked habang naglalakad na sila palabas ni Min Joo.

"Wag mo 'ko tanungin, oppa. Alam mo namang galing ako ng Paris." She answered.

Napakunot noo si Taemin, "Paris? Akala ko sa London ka pumunta?" He asked as they entered the car.

"Nope. Pinaiwan ako sa Paris." And found out that I'm engaged She mumbled.

"I see. Rehearsals na yata ngayon, humabol ka nalang." Paalala niya.

"Ne." Simpleng sagot niya kaya napakunot noo si Taemin.

"May problema ba, Min Joo? May kailangan ba 'kong malaman?" He asked.

"Mwo?" She asked. "Wala. Pagod lang 'to." Sambit niya.

Hindi na nagtanong si Taemin.

-

"Kris, babalik ka ba ng Canada?" Suho asked Kris. Nagbabalak kase si Kris na pumunta ng Canada, bibisitahin lang ang pamilya niya.

"Hindi ko pa alam. Why? Pinapaalis mo 'ko?" He asked too.

"Anong pinapaalis?" Suho said in a higher tone. "Sabi mo kase aalis ka eh!" Ani Suho.

"Aalis ako pero hindi pa sa ngayon." He answered. Napatingin sila sa pinto ng isang kwarto ng lumabas do'n ang isang pigurang parang zombie kung maglakad.

"Baek? Okay ka lang?" Tanong ni Kris.

Hindi siya sumagot, dumiretso siya sa bathroom para maghilamos. "Nangyari do'n?" Sambit no'ng dalawang leader. Nang makapasok si Baekhyun do'n, pumasok din sa dorm nila si Minseuk, isa sa managers ng EXO.

"Hyung. Ang aga mo yata ngayon." Ani Suho.

"Oo nga. Dito muna ako." Sambit naman niya saka umupo sa sofa.

"Nandito na pala 'yong bagong employee ng SME, 'yong galing ng Canada." Dagdag niya.

"Anong position po niya?" Kris asked.

"Manager daw eh. Nararamdaman kong may magde-debut na bagong group." Minseuk said.

"Di ba may kaibigan ka sa Canada, Kris?" Tanong ni Suho.

"Yeah. Pero hindi ko na siya nakita simula no'ng bumalik akong Guangzhou. Wala na rin kaming communication." Kris answered as he sipped his coffee.

"Ohh~ sino naman 'yon?" Minseuk butted in.

"Batchmate ko siya." He answered.

Bigla silang napatigil, a moment of silence. "Nandito na 'yong bagong manager. Nagulat nga 'ko eh, kamukha ni Kris 'yong kasama niyang lalaki." Basa ni Minseuk sa message ng kapatid niya.

Napakunot noo si Kris, "Kamukha ko?" He asked.

"Oo. Iyon sinabi. May kapatid ka ba?" Minseuk asked.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon