Sidestory #2 pt. 9

13 0 0
                                    

Pt. 9 - Okay Ka Lang?

Pinabalik na ang EXO sa kanilang dorm dahil sa upcoming activities. Nagpoprotesta sila dahil gusto pa nilang maiwan sa mansion ni Hee Rin pero wala na silang nagawa kundi sumunod sa gusto ng management. Back to normal na naman ang lahat. Kabi-kabilang training and rehearsals.

"Ya, Ice Princess!" Tawag ni Kai kay Min Joo.

"Ha? Sinong tinatawag mong Ice Princess?" Tanong nito at umirap. Nando'n sila sa isang training room, katatapos lang ng lessons.

"Sino pa ba, edi ikaw! Cafeteria? Treat ko." Offer ni Kai.

"Ice Princess, huh? Kailan ko sinabi 'yon?" Tanong ulit niya.

"No'ng nag-inuman tayo." He answered. "Sasama ka or hindi?"

"Oo! Wait! Sama ako!" Sambit nito at hinabol si Kai na nasa corridor na.

"Anong gusto mong kainin?" Kai asked habang pababa palang sila gamit ang elevator.

"Ice cream? Coke?" She mumbled.

"Wag ka masyado sa malamig kapag pagod ka." Paalala ni Kai na nakasandal do'n sa loob ng elevator.

"Tubig at biscuits? Ayoko mag-junk foods ngayon." Sagot nito ng lumabas sila mula sa elevator.

Naglakad sila papunta ng cafeteria ng biglang, BOOOGSH!

Punyeta! Peste! Mura ni Min Joo sa isipan niya. Napaupo siya dahil sa tumatakbong lalaki mula sa direction na pupuntahan nila. Iniabot naman ni Kai ang kanyang kamay para itayo si Min Joo. "Okay ka lang? Ipunta kita sa infirmary?" Tanong ni Kai ng maitayo si Min Joo.

"Okay lang. Pagod lang 'to." Sagot naman niya sabay ayos sa sarili niya.

"Nasobrahan na naman bang training natin?" He asked habang sinusundan si Min Joo. Naglakad na sila papunta sa cafeteria. Tumayo sila saglit roon sa may pinto habang naghahanap ng magandang pwesto.

Humarap si Min Joo kay Kai, "Hindi naman. Meron lang talaga 'yong mga araw na ganito ako." Sagot niya. Ang bilis ko nang mapagod.

"Doon nalang tayo." Sabay turo ni Kai sa dulo ng cafeteria. Halos bakante lahat at doon ang pinakamagandang pwesto.

Naglakad na ulit sila ng may nakabunggo na naman itong si Min Joo na nagte-text habang naglalakad. Buti nalang at nasalo siya agad ni Kai bago na naman siya matumba. "Ang lampa mo ngayon. Ipunta nalang kitang infirmary. You're not in good shape. Min Joo." Seryosong sambit ni Kai, kahit ang kanyang facial expression ay nagbago.

"I'm ok--" At ayun, tuluyan na nga siyang nahimatay. Nanlaki naman ang mga mata ni Kai at wala na siyang nagawa kundi buhatin niya ito sa bridal style at ipinunta ng infirmary. Wala namang tao sa mga nadaanan nila papunta doon kaya walang nakiusyoso.

In-examine siya ng nurse at nalamang, "Dehydration ang cause. Paggising niya, painumin mo agad ng tubig." Bilin ng nurse. May kung anong itinurok ang nurse sa kamay ni Min Joo bago umalis. Nakahilatak siya sa may higaan habang si Kai naman nakabantay lang doon sa tabi niya.

Masyado ba 'kong malala magpa-training? He asked himself. Kalahating oras ang lumipas, nagising na si Min Joo. Medyo namumutla pa rin siya. Agad naman niyang ininom ang tubig na nakita niya roon sa may side table. Halatang halata sa kanya na nauuhaw siya. Naubos niya ang isang pitsel ng tubig na nando'n.

Napansin naman niya si Kai na nakatulog na roon sa tabi niya. Ang bait niya yata sa 'kin ngayon. Mas mabuti na 'yon kaysa lagi kaming nag-aaway. Nakakasawa rin. Sambit niya sa sarili niya habang tinititigan si Kai na natutulog. Ewan ko ba't ang bugok na 'to ang naging bias ko pero siya rin ang nanira ng image niya sa 'kin.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon