Sidestory #2 pt. 26

17 0 0
                                    

Pt. 26 - Inevitable

"I do have one final order before they'll arrest me."

"What is it, sir?" Sabi ni Tae Ho.

"Kill Shim Hee Rin." Utos niya.

Humalakhak si Tae Ho dahil sa sinabi niya, "That would be as easy as pie!"

"Mukhang kailangan ko talaga patayin na 'yong bruhang 'yon. Sinong mag-aakalang siya ang may pakana ng lahat. She really have guts." Isip ni Tae Ho.

Kasalukuyang nasa airport siya ngayon para puntahan si Lay. Alam niyang may relasyon 'yong dalawa kaya inaasahan niyang pupunta rin sa paliparan ang dalaga. "It's a good thing that I managed to track down, Mr. Lee." Napangisi siya sa sarili niya.

Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo and said, "Then, I'm getting started."

"Nagtataka ako, bakit si Suho oppa ang ipinaupo kung parliament ang government dito. Dynasty ba?" She asked Angelo.

"Hindi ko nga rin po maintindihan princess eh. Sa pagkakaalam ko, Monarch lang ang pwedeng gano'n--"

"Francis? Anong balita?" Sagot ni Angelo sa phone niya.

"Nahanap na naming 'yong taong 'yon. Sir Fourth started the operation. Pakisabi kay Princess na she stay out of this or else baka mapahamak siya. Serial killer 'yong tauhan ni Mr. Kim na 'yon, he might kill one of them." Sagot naman ni Angelo.

"Okay, mag-ingat ka rin."

"Yes!"

"Princess, nahanap na po 'yong tauhan ni Mr. Kim. The operation has now started--"

"Let's go!" Sambit ni Hee Rin.

Hinawakan ni Angelo ang braso niya, "No, princess! Sabi sa 'kin, serial killer 'yong taong 'yon and probably he'll come after any of you. Hayaan niyo nalang pong mga tauhan ni Sir Fourth ang gumawa no'n."

"I cannot sit still."

"Pero, princess--"

"Sorry, Angelo!" She said saka sinikmura si Angelo enough for him to go weak. Binatukan pa niya ito para siguradong tulog.

Bumaba siya at naabutang nanonood si Eunhyuk habang may kausap siya sa kanyang phone, "Saan ka pupunta?" He asked her.

"Lalabas lang saglit." Alanganin siyang ngumiti. Agad siyang lumabas para hindi mapansin ni Eunhyuk.

"Punta muna akong airport." She mumbled. Agad siyang dumiretso sa airport.

"Lay, bakit kailangang gawin mo 'to? Masaya naman tayo, di ba?"

Pagkarating na niya ro'n, agad niyang hinanap ang flight papunta sa Beijing.

"Yixing. Nandito si Hee Rin sa airport, anong gagawin natin?" Tanong sa kanya ni Mr. Lee. "Hindi ka ba nagpaalam sa kanya ng maayos?"

"Nagpaalam po." Malungkot niyang tugon.

"Sa tingin ko, hindi. Hindi siya gano'n kapag maayos kang nagpaalam-"

"Eunhyuk?" Tanong niya sa kabilang linya ng marinig niyang may nagsalita do'n.

"Sajangnim, I think you should get out of the country as soon as possible. Nahanap na po 'yong tauhan ni Mr. Kim na pumatay kay Chan Yeon." He said.

"I thought it was suicide."

"Hindi po. Hee Rin found the hidden message."

Napansin ni Lay ang isang babaeng kanina pa takbo ng takbo malapit sa kanila. Napatayo siya dahil napansin niyang si Hee Rin 'yon. Tumakbo si Hee Rin sa kabilang bahagi pero bigla siyang kinabahan ng mapansin ang lalaking sumusunod sa dalaga.

Spellbound [EXO FF]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon